Chapter 26

4.4K 103 3
                                    


Chapter 26

Dark Past

Shayne's POV

"Hello Shayne~~"

"Teka, a-anong ginagawa mo dito?"tanong ko. "At saka..amoy alak ka ah."lumapit ako sa kanya at tinulungan papasok ng bahay. Nagsasalita siya pero hindi ko yun maintindihan.

Pinaupo ko siya sa sofa. Tapos dali-dali akong pumunta sa kitchen. Ano ba ang pwedeng ipakain o ipainom sa kanya. Since wala naman akong alam kung ano ang pwedeng ibigay kapag lasing ang isang tao, bibigyan ko na lang si Steve ng tubig. Kumuha ako sa ref ng isang basong tubig na malamig. Pumunta naman ako sa kanya.

"Oh eto, tubig. Inumin mo muna."bigay ko sa kanya.

Tinabig niya lang ito ng mahina. "Ayoko niyan. Gusto ko alak."sabi niya. Wala ditong alak at wala tayo sa bar! At saka hindi pa siya nagsasawa kakainom?

"Teka, akin na nga yang cellphone mo. Tatawagan ko ang mama mo o papa mo. Sigurado ako na nag-aalala na sila."sabi ko.

"Wag mo na silang tawagan. Wag kang KJ, Shayne."

Tingnan mo itong lasing na ito. Sinabihan pa talaga akong KJ. Nagmamalasakit na nga. Tsk.

"Magkwentuhan na lang tayo Shayne."

"Alam mo Steve matulog ka na. Ihahatid kita sa guest room."inakbayan ko na siya. Sa una pumapalag siya pero bumigay na rin.

Pumasok na kami sa guest room. Inihiga ko na siya sa kama. Lumabas muna ako ng kwarto para pumunta sa kwarto ni papa. Kumuha ako sa cabinet ng damit. Pagkatapos pumasok na ako sa room. Nakita ko naman si Steve na pikit na ang mata.

Tinakpik-tapik ko ang mukha niya. "Huy, gising na. Magbihis ka muna."sabi ko.

"Ikaw na."tae. Gising pa pala ang mokong.

"Meron ka namang kamay noh. Kaya bihis na."

Hindi na lang siya sumagot. Haay. Ano na ang gagawin ko?

A. Hahayaan na lang?

B. Ako na ang magsusuot?

C. Bahala na.

Ehhh ano ba? Aish kapag hindi ko naman siya binihisan baka kung ano na ang mangyari sa kanya. Ay ako na nga lang! Baka makonsyensya pa ako. Kumuha ako ng bimpo at maliit na plangana na may tubig. Pinunasan ko ang braso niya at mukha. At ang pinakahuli, palitan ang damit niya. Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko ba ito. Nakakainis naman kasi ito ehh. Haay eto na gagawin ko na.

Nanginginig pa ang kamay ko habang tinataas ang damit niya. Napapalunok pa ako. Nung half body pa lang...shet. May abs pala ang mokong! Six packs! Fudge! Dusme! Baka mapagkamalan pa akong manyak neto! Nakakaloka!

Naalis ko na ang damit niya. Sinuot ko sa kanya ang damit na kinuha ko. Pinunasan ko na naman ang braso niya.

"Bakit ka pa kasi umiinom? Batang-bata ka pa, umiinom ka na."sabi ko.

"I miss her Shayne."

Nagulat ako ng magsalita siya.

"Sino ba yang tinutukoy mo?"

"Ang tinutukoy ko?"he smiled bitterly. At pinagpatuloy na niya ang pagsasalita.

"Angel....she's my first love."

Natigilan ako. Yan pala ang dahilan kung bakit siya lasing. Tinigilan ko ang pagpupunas sa braso niya. Baka gusto niya pang magsalita. Makikinig naman ako Steve.

"At alam mo kung ano ang malala, wala na siya. Matagal na. She's gone. Hahaha! Death anniversary niya pa! Haha!" Ang hirap idescribe ni Steve ngayon. Alam ko naman na peke ang mga tawa na yan. Nakakaawa siya ngayon.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon