Thank you for making it to the last chapter! You are very appreciated!
--
Epilogue
Farewell
Xandra's POV
Nang hindi ko na nakita ang kotse ni Timothy ay pumasok na ako ng bahay. Naabutan kong nagwawalis sa sala si Yaya.
"Nasaan po si Papa?" I asked.
"Andito ka na pala. Wala pa siya. May conference raw kaya matatagalan siya," sagot niya.
I nodded. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa kwarto. I changed my clothes at bumaba ulit para kumain.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto ko. I opened my social media account to check my notifiations. Biglang nagring ang phone ko at may tumatawag sa'kin. Sinagot ko ang tawag.
"Hello, Jamie?"
"Hi, Shayne. Kamusta naman ang date niyo ni Timothy?" nahimigan ko ng malisya ang boses niya.
Napangisi ako. "Hindi kami nagdate, okay? May pinakita lang siya at sinamahan pa ako..."
"Ano ang pinakita niya? Oh, I'm curious, Shayne. Baka naman umiiba na ang level niyo..." she said then laughed.
Natawa na rin ako. Tumayo ako at naglakad papunta sa balcony.
"Ano bang pinag-sasabi mo? Kung ano man 'yang naiisip mo, nagkakamali ka. Walang gan'un! We're just friends!"
I leaned forward to the railings. Dinama ko ang hangin. I looked up at the sky at napakaraming mga bituin na kumikislap.
"Magkaibigan nga ba? Huwag mo nga akong lokohin! Kung hindi lamang kayo nagpapanggap, parang kayo na talaga."
Unti-unting nawala ang ngiti ko. Bumalik ulit ang lungkot ko nang narinig ko ang salitang nagpapanggap.
"Jamie, I have something to tell you..."
"Ano 'yon? Oh gosh! Don't tell me, totohanan na. Kayo na? Nagkaaminan na ba kayo?"
"Hindi! Ano ka ba! Walang gan'on." sagot ko.
"Ay, ano pala?" nahimigan ko ng pagkabigo ang boses niya.
Huminga ako ng malalim at sinabi na sa kanya.
"Itinigil na namin ang pagpapanggap," mahina kong sabi.
"What? Bakit? Nag-away ba kayo?" she asked.
I pursed my lips. "Kasi kailangan na. Ayoko nang-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakasandal sa puno. He is wearing a gray jacket with hood, black pants and shoes. Hindi ko makita ang mukha niya dahil mayroon siyang maitim na face mask. Mata lang ang nakikita ko sa kanya dahil natatabunan ang kanyang ilong at bibig.
Nakatingin siya sa'kin. Alam ko iyon kahit kalahati lang ng mukha ang nakikita ko. Sino ba siya?
"Shayne? Hello? And'yan ka pa ba?" narinig ko sa kabilang linya.
"Teka lang, Jamie. May titingnan lang ako. Saglit lang," sabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.
"Huh? Ano ba-" I ended the call.
Umalis ako sa pwesto ko at bumaba. Lumakas ang tibok ng puso ko. I'm curious kung sino ang lalaking iyon!
"Saan ka pupunta?" tanong ni Yaya bago ako makalabas ng bahay.
"May nahulog po kasi ako mula sa taas. Kukunin ko lang..." pagsisinungaling ko.
Napatango na lang siya. Agad-agad akong lumabas ng bahay. Binuksan ko ang gate at naglakad papunta sa puwesto ng lalake. Pero napatigil ako sa paglalakad nang nakita kong wala na siya doon.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Teen FictionMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...