Chapter 35

3.6K 77 5
                                    


Chapter 35

Choose

Shayne's POV

Kumain muna kami ni Jamie sa isang kainan dito. Gutom na rin kasi kami dahil sa mahaba-habang byahe. Pero infairness ang presko dito. Dagdagan mo pa ang masasarap nilang pagkain dito at ang magandang view ng beach. Nag-order kami ng dalawang ulam; alimango at adobong manok tapos dalawang mango shake.

"Ang sarap ng pagkain dito!"sabi ni Jamie.

"Oo! Mukhang mapaparami ang kain ko." Sarap na sarap kami sa pagkain dito. Although medyo may kamahalan ang presyo pero okay lang. Sulit naman.

Sa sobrang kabusugan namin, nagstay muna kami ng ilang minuto doon. Pagkatapos, naglibot-libot na kami. Kailangan na daw naming maglibot kasi mamaya daw hapon magsisimula ang mga activities namin.

Habang naglilibot may mga nags-swimming na, nagpapapicture at kung ano-ano pa. Pumasok kami ni Jamie sa isang store na nagbebenta ng mga accesories na gawa sa mga shells. Ang cute nga eh. Bumili kami ng dalawa.

Pumunta naman kami sa isang boutique. May mga t-shirt na may nakasulat na ' I Love Batangas', two piece bikini, shorts at hats. Ang gaganda ng mga designs.

"Bes bili tayong t-shirt!"excited na sabi sakin ni Jamie.

"Wait lang."kinuha ko yung wallet sa bulsa ko. "Kulang yung pera ko Jamie. Hindi ko kasi dinala yung pera ko."pagpapaliwanag ko.

"Ay sayang naman."

Oo. Sayang nga. Eh malay ko ba kung may boutique dito. Edi sana nakabili na ako kung alam kong merong ganito.

Sa pag-iikot namin sa loob, may biglang bumulaga kay Jamie. "Boo!"

"Ay bwisit ka! Argh Bryan!"nagulat na sabi ni Jamie. "Ginulat mo ako! Muntikan na akong atakihin sa puso!"

Natawa si Bryan. "Nakakatawa ang mukha mo kanina! Kung nakita mo lang. Pfft. "

Hinampas ni Jamie si Bryan sa braso. "Bwisit ka!"

"Sino nga pala ang kasama mo Bryan?"tanong ko.

"Ah! Si Timothy. Asan na ba yun? Ayun siya oh."turo sakin ni Bryan kay Timothy na tumitingin ng mga damit.

"Ano nga pala ang ginagawa niyo dito?"tanong ni Bryan. Sasagutin ko sana siya kaso nagsalita si Jamie.

"Kumakain kami."pabalang na sagot ni Jamie. "Malamang tumitingin kami kung ano pwedeng bilhin."she rolled her eyes.

"Bakit ang pilosopo mo?"

"Pake mo ba?"

"Bakit ang sungit mo?"

"Wala kang pake!"

Okay OP na ako. Umalis na ako doon. Nagbabangayan pa rin ang dalawa. Ano ako doon, referee? Nilapitan ko si Timothy na tumitingin ng mga t-shirts.

"Hey."

"Oh ikaw pala Shayne."nakangiti niyang sabi. "Ano ang mas maganda?" Pinakita sakin ang dalawang t-shirt na kulay puti at gray na may magkaibang design na nakasukat.

"Mas prefer ko yung puti. Presko eh."sagot ko.

"Sige."nilagay niya ang gray na t-shirt sa lagyanan. "Isusukat ko lang sa fitting room."

Pumunta siya sa fitting room. Naghintay naman ako sa kanya sa labas. Pagkalabas niya, "Kamusta? Okay lang?"tanong niya.

Ngumiti ako binigyan siya ng thumbs up. "Sige. Eto na ang bibilhin ko." Pumasok ulit siya sa loob at nagpalit.

Pumunta na siya sa counter at binayaran ang damit. Worth 180 pesos daw ang t-shirt. Pagkatapos, lumapit samin sina Bryan at Jamie.

"Grabe magkasama lang pala kayong dalawa. Iniwan mo ako kay Bryan."nakasimangot na sabi ni Jamie.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon