Chapter 39

3.6K 74 2
                                    


Chapter 39

Video

Shayne's POV

Buong weekend akong nakakulong sa kwarto ko. Baba lang ako kapag kakain ako o kaya tinawag ako ni papa. Hindi rin ako makakain ng maayos. Mukhang nagtataka na rin si papa at si yaya kung bakit hindi ako ako lumalabas ng kwarto.

Hindi ako nag-open ng FB account ko. Nagbasa na lang akp ng wattpad o di kaya manood ng kdrama sa youtube. Pero kahit ganun naiisip ko pa din ang pangloloko sakin ni Steve. Napapaiyak ako kahit wala namang nakakaiyak sa binabasa ko o pinapanood ko.

Nagulat na lang ako ng may biglang kumatok sa pinto. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. "Shayne may bisita ka!"sabi ni yaya.

"Sino po yan?"sigaw ko.

"Si Jamie! Andito siya sa baba!"

Napakunot noo ako. Himala. Ba't andito siya? Tumayo ako at binuksan ang pinto. Pagbaba ko nakaupo si Jamie sa sala. Kinawayan niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Grabe bes. Ayaw mo bang andito ako?"nagtatampo niyang sabi.

"Hindi naman sa ganun. Nakakagulat lang na andito ka na hindi kita sinabihan. Bakit ka nga pala andito?"tanong ko ulit.

"May dala akong ingredients para makagawa tayo ng lasagna. Boring kasi kung mag-isa akong gagawa sa bahay. Si Bryan sana kaso parang magdadamot na naman yun sa pagkain. Ikaw na lang kasi alam mo na."makahulugan niyang sabi.

"Salamat Jamie. So gawa na tayo ng lasagna?"

"Sige ba!"excited niyang sabi.

Pumunta na kami sa kitchen. Inihanda na namin yung ingredients. Mabuti na lang at marunong si Jamie na magluto ng lasagna kaya walang problema.

"Ilagay mo na sa oven."utos niya.

Nilagay ko naman ito. Isasara ko na sana pero nagsalita siya.

"Kamusta na?"

"Huh?"napalingon ako sa kanya.

"Kamusta na si puso?"

Napatigil ako. Kamusta na nga ba ako? Itnuon ko ang pansin sa oven. Pinindot ko ang button. Napabuntong hininga ako. "Well, eto...masakit pa rin."

"Haay. Pa-fall talaga siya. Naku! Buti na lang at hindi ako nainlove sa playboy na katulad niya."sabi niya sa sarili.

Ang hirap palang mainlove sa isang cassanova. Ikaw ang kawawa. Isa na ako sa mga naloko at iniwan niya. Isang nagpapanggap na nerd ang naloko niya.

Mabuti na lang at andito si Jamie maghapon para samahan ako. Para icomfort ako. May mga ibang ginawa pa kami para mabaling ako atensyon ko sa iba. Naglaro kami at nagmovie marathon.

Araw ng lunes. Pumasok ako sa school ng alas syiete pasado. Marami nang mga estudyante. Nagising ako ng medyo late dahil sa puyat.

Habang naglalakad napapatingin sakin ang mga estudyante. Karamihan sa kanila ay may hawak na cellphone at parang may pinapanood. May naririnig akong bulungan.

"Siya ba yun?"

"Teka. Oo nga! Siya yun!"

"Tsk! Assumera."

"Akala niya papatulan siya?"

Ano bang pinagsasabi nila? At bakit sila nakatingin sakin. Yung iba tinarayan ako. May galit sakin. Yung iba walang pakialam.

Seriously, what's happening?

Nung nakarating na ako sa classroom namin napatigil ang lahat sa ginagawa. May napatigil sa kwentuhan. Ang iba parang may pinapanood sa cellphone. Ang iba may awa sa mukha nila.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon