Chapter 56
Decision
Xandra's POV
Natapos nang iannounce samin ang score sa project namin sa music. Over all ay matataas naman ang grades namin. Masasabi kong pinaghandaan talaga nila ang pagkanta.
Ang presentation namin ni Steve ang may pinakamataas na marka. Ang sabi ng guro namin ay kung pwede kaming magintermission number sa prom namin. Hindi nagdalawang isip si Steve na pumayag. Ako naman, sinabi ko na pag-iisipan ko muna. Medyo nadisappoint ang guro sakin at napakunot noo lang si Steve. Bibigyan ako ng panahon para makapagdesisyon. I thank him for that.
"You are dismissed. Congratulations sainyo." sabi niya.
"Salamat po!" Sagot namin.
Umalis na siya ng room at bumalik ang ingay ng mga kaklase ko. May mga lumabas na ng room. Siguro ay para pumunta ng cafeteria.
Lumapit sakin si Jamie na may hawak na dalawang libro.
"Samahan mo ako sa library. Isosoli ko lang ito..." sabi niya.
Tumayo ako at sinamahan siya. Habang naglalakad sa hallway ay may mga bumabati sakin.
"Hi Xandra!"
"Belated happy birthday!" Nakangiting sabi nung babae.
I waved back at them at nagpasalamat sa kanila. Araw ng lunes at dalawang araw na ang lumipas at may mga bumabati pa rin sakin.
May lumapit saking lalake. He is wearing glasses at nakayuko siya. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa likod.
"H-hi Xandra." nahihiya niyang bati.
Ngumiti ako sa kanya. "Hello!"
Jamie raised her eyebrow. Siguro naweweirduhan. Napatingin siya sa sakin at ngumiti ng nahihiya.
"P-para nga pala sa'yo." Nahihiya niyang inabot sakin paper bag.
May ngiting nakakaloko na naman si Jamie pagkatingin ko sa kanya. Medyo sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya ako.
"B-belated happy birthday. P-pasensya na kung ngayon ko lang ito naibigay." namumula niyang sabi habang nakayuko.
Tinanggap ko ito. "Salamat. Nag-abala ka pa."
"Wala yun. S-sige, mauuna na ako." sabi niya at umalis na.
"Ikaw ha, pang-ilan na ba iyang natanggap mong regalo? Ang dami mo nang natanggap." Nakangising tanong niya.
Hindi naman sa pagmamayabang, marami na akong natanggap na regalo galing sa schoolmates ko kahit hindi ko sila kilala. Andun sila sa room ko. Mostly sa boys galing. Hindi ko nga alam kung paano nila nalaman na birthday ko.
Kung ano-ano ang niregalo nila sakin. May kwintas, libro, teddy bear, pabango at kung ano-ano pa. Hindi ko na mabilang sa dami.
"Hindi ko alam." tanging sagot ko.
"Naku! Ang hirap talagang maging maganda. Buti na lang hindi ako maganda."
"Maganda ka kaya. May nasungkit ka ngang lalake pero hindi mo naman pansin." Binulong ko ang huling pangungusap para hindi niya marinig.
"Anong sabi mo?" kunot noo niyang tanong.
Umiling ako. "Wala. Sabi ko tara na."
Hinila ko na siya papunta ng library. Medyo marami ngayon ang nasa loob. Nagsulat muna sa record ng librarian si Jamie na ibabalik na niya ang libro.
"Ano ba ang laman ng paperbag?" tanong niya habang binabalik sa shelf ang libro.
Binuksan ko ang ito. Ito ay naglalaman ng peach printed crop top. It is actually cute.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Novela JuvenilMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...