Chapter 65

4.1K 86 40
                                    

Chapter 65

Letting Go

Xandra's POV

Hindi ako makatulog ng maayos ng gabing iyon. I kept on switching positions in order for me to sleep pero bigo ako. Hindi maalis sa isip ko ang nakita ko. Pilit pa ring sumasagi sa isip ko kung siya ba ang nakita ko.

Si Steve ba talaga iyon? Or I am just overthinking? Baka napagkamalan ko lang? Pero hindi! Alam ko ang kanyang tindig at aura! Parang siya iyon na hindi!

Kung siya nga iyon, anong ginagawa niya doon? Bakit siya andoon? Kanina pa ba siya doon? Bakit hindi ko man lang siya napansin?

"Really? Nandoon siya? Teka, kanina pa siya nakatambay doon?" Jamie asked.

"Oo nga. And I can't say na kanina pa siya doon. Basta ang alam ko lang, nakita ko na lang siya doon."

"Siya ba talaga ang nakita mo? Baka naman talaga namamalik mata ka lang," she said.

"I don't know. Nasa medyo madilim siyang parte kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Pero parang siya!" giit ko.

Umayos siya ng upo at huminga ng malalim. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka nga siya iyon.

"Imposible na siya iyon. Sinabi mo na rin na hindi mo makita na masyado ang mukha niya dahil medyo madilim. 'Tsaka bakit naman siya andoon? I'm sure na sa mga panahon na iyon, kasama niya si Charlize. Maybe they are on a date. You know that bitch..." paliwanag niya.

Napaisip ako. Maybe she's right. It's really imposible na siya nga. Nang dahil sa nangyari kahapon, pwedeng kasama niya si Charlize para damayan siya. He can't be there!

"Just relax, Shayne. Maybe it's just your neighbor. O baka isa sa mga nagkakagusto sa'yo dito sa school. Or maybe your stalker. Pili ka na lang doon."

I looked away. Sana nga ganoon lang iyon. Sana nga kapitbahay ko lang iyon or something. Dahil kung siya nga iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko sinabi kay Timothy ang tungkol dito. Ayokong mag-isip siya ng kung ano sa kaibigan niya. Or maybe, ito ang dahilan ng away nila. I don't want to cause a trouble nang ako ang dahilan.

I looked at Steve who is busy talking to his girlfriend. While her girlfriend is listening to him, she's busy playing his hand. Yung parang kanila lang ang mundo.

Baka naman talaga hindi siya iyon. Hindi niya magagawang pumunta malapit sa amin. Hindi siya 'yun. It's not him! I'm just overthinking!

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila. Dumating na ang guro namin at nagsimula ulit ang klase.

After one hour, pumunta kami ng cafeteria para kumain. Kasama ko sa iisang mesa sina Jamie, Bryan, Max at Jhaye. To be specific, sa mesa ng Black Royalties. As always, wala si Steve dahil kasama niya ang kanyang girlfriend.

I am silently eating habang sila naman ay nagkukwentuhan. Naging mabagal na ang pagkain ko.

"Nakakasama pa ba ninyo si Steve sa mga gala niyo?" Jamie suddenly asked.

"Well, yes, noong hindi pa niya girlfriend si Charlize. But now, hindi na. Palaging sila na ang magkasama," Max answered.

"Kapag niyayaya namin siya na gumala kasama namin, tinatanggihan na niya. It's either he has a date with Charlize o hindi kaya pupunta siya sa bahay nina Charlize," wika ni Bryan.

"Nakakainis na nga eh. He's not like that before. Simula nang maging girlfriend niya ang babaeng 'yun, hindi na namin siya nakakasama. He always follow his girlfriend's orders," Jhaye said.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon