Chapter 44

4.1K 78 0
                                    


Chapter 44

Court

Xandra's POV

Dalawang araw na ang lumipas. Still, nakatatak pa rin sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Steve. Matagal na daw niya akong hinahanap. Sabi niya pa, mystery girl niya daw ako. Bakit naman niya ako hinahanap? Ang tanong kung ganun, saan niya ako nakita?

Ang gentleman niya these days. Like imbes na siya ang maupo, binibigay niya na lang sakin. Sweet din siya sakin. Napangiti ako ng mapait. Ganito siya sakin noon. Ang gentleman niya at sweet.

Marami nang gustong makipagkaibigan sakin. May kaclose na rin ako sa mga kaklase ko. Dati walang kumakausap ng masyado sakin kasi nerd ako except Jamie. Lalong wala nang kumausap sakin dahil dun sa videong napanood nila. Sumama ang tingin nila sakin. Kung sino man ang kumuha at nagvideo namin ni Steve humanda siya sakin. Malalaman ko rin yun.

"Anong mga brands na ba ang na-endors mo?"tanong sakin ni Allysa.

"Von Dutch, Converse, Lee-- marami na rin."sagot ko.

"Wow! Ang galing. Ang yaman mo na siguro niyan." Sabi ni Jane.

Ngumiti ako. "Hindi naman. Syempre nilalagay ko sa banko ang naiipon ko para kung sakaling may kailangan ako hindi na ako hihinga sa papa ko."paliwanag ko.

May ibang nagpalakpakan. They look amused. "Ikaw na talaga idol."

Ganito lang ako nakausap ng mga kaklase ko nang maayos. Kung nerd pa rin ako, hindi nila ako papansinin. Para lang akong hangin sakanila.

"May kilala ka bang Shayne Ramirez?"biglang tanong ni Cindy.

Natigilan ako sa tanong niya. Nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko inaasahang matatanong nila yan sakin.

"Uh, bakit mo natanong?"

"Para kasing magkaboses kayo."sagot niya.

Medyo pinawisan ako sa sagot niya. Nahalata nila. Pano na ito?

"Oo nga. Pansin ko rin yun.

"Kilala mo ba siya? Ramirez din ang apelyido niya."

"Are you related?"

Pinuno nila ako ng mga tanong. Ano ba ang pwede kong isagot?

"Pinsan ko siya. Hindi ko alam na kilala niyo pala siya."

Nakahinga ako ng maluwag dahil tumango sila sa sagot ko. Damn! That was close!

"Ahh. Oo, kilala namin siya. Dati namin siyang kaklase. Kaso lumipat na daw ng ibang school."sabi ni Tin.

"Oh. Talaga? Hindi ko iyon alam. Bakit daw siya lumipat?"tanong ko na parang curious.

"Hindi nga namin alam eh. Pero mabuti na yun. Mas masaya na wala siya dito."

"Tama ka. Ang sarap niyang sabunutan!"naiinis na sabi ni Chloe.

"Teka, bakit kayo naiinis sa kanya?"tanong ko.

Hindi pa pala tapos ang sama ng loob nila sakin. Akala ko wala na. Eh malamang ako ang paborito nilang asarin. Nasanay sila na ibully ako.

"Ayaw sana namin itong sabihin sayo pero dapat mo itong malaman. Malandi ang pinsan mo, Xandra. Pansin kasi namin na palaging magkasama sila ni Steve. Akala nga namin sila na hanggang sa napanood naming lahat ang video tangkol sa kanila. Ang sabi dun, hindi mahal ni Steve si Shayne at hindi raw yun mangyayari. Eto namang si Shayne may paluhod-luhod pang nalalaman at nagdrama pa. Ugh. Kapag naaalala ko ang videong yun, nandidiri ako."paliwanag ni Cindy.

"Ako rin! Hindi lang talaga siya malandi. Assuming pa siya. Hindi talaga magkakagusto si Steve sa katulad niya. Ang pangit kaya nun."

My hand formed into a fist. Hingang malalim Shayne. Huwag mong ipahalata na galit ka. Kung pwede ko lang silang sapakin ginawa ko na. Hindi ako malandi. Oo, umiyak ako dahil akala ko mahal niya ako at niloko niya ako.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon