Chapter 33Promise
Shayne's POV
*Kring! Kring!*
"Oh my god! Bilis Shayne! Malelate na tayo!"biglang sabi ni Jamie tapos hinila na ako at tumakbo na kami papuntang claaroom.
Hingal na hingal kaming nakarating ng classroom. Eh pano kasi ang haba ng pila sa cefeteria. Nung nakahanap na kami ng mauupuan, agad kaming kumain. Halos wala na ngang magsalita samin dahil gutom na gutom na kami. Si sir kasi eh, nagextend pa ng time sa klase. Nagkwentuhan pa kami. Tapos nung narinig na namin yung bell, ayun kumaripas na kami ng takbo.
Mabuti naman at pagdating namin ng room wala pa si ma'am. Sakto pa naman na ang teacher ay yung terror. Psh.
"Hala! Andyan na si Duterte!"
Pagkadating ng kaklase naming sumigaw nun ay nagsibalikan kami sa aming upuan. Bakit Duterte ang tawag namin sa kanya? Kasi ang galaw tsaka kung makapagsalita parang si Duterte. Ganun.
Pagkapasok niya sa room, para kaming mga maamong tuta na dumating ang amo.
"Get your book and open it on page 166. Answer activity 3."sabi ni Dut- este ma'am.
Kinuha naman ang mga libro namin. Wew. Buti nga andito yung libro ko. Nakipagshare sakin si Steve ng libro. Naiwan daw yung sakanya.
After 15 minutes, "Exchange your papers."biglang sabi ni ma'am sa kalagitnaan ng pagsasagot namin.
May mga kaklase akong nagsabi ng "Wait ma'am." Binilisan na namin ang pagsasagot.
"One. Two."
Wala na kaming nagawa. Nagpalitan na kami ng papel. Kainis naman. Hindi man lang siya nagtanong ng are you done o kaya magsabi ng 5 minutes para matapos kami. Parang may date si ma'am. Buti nga natapos ko. Si Steve naman hindu niya natapos hanggang 16 lang siya. Sayang yung 4 points dahil 20 items yung activity pero mahirap.
After checking, nagrecord na ng scores. Naka17 ako. Si Steve naman 16. Ang iba nga hindi na nakaabot ng 15 dahil yun ang passing score.
After several minutes, naglesson kami. Lahat nakikinig kay ma'am. Napaka-terror.
"Class dismissed."
Umalis na si ma'am. Pagkaalis niya, naghiyawan ang iba kong kaklase dahil umalis na siya.
Ang iba kong kaklase ay nakikipagdaldalan. May ilang boys naglalaro ng cellphone. Sina Charlize naman parang pinag-uusapan yung mga gwapong schoolmate dito na famous din tulad ng Black Royalties. Psh. Baka kalandian na naman ito.
Si Jhaye, nakikinig sa headphone niya. Tapos lumapit si Max sa likod niya ng dahan-dahan at bigla itong kiniliti sa bewang. Sa sobrang gulat ni Jhaye ay nahulog siya sa upuan niya. Nagsitawanan naman ang mga nakakita lalo na si Max. Napaupo na nga siya sa sobrang tawa.
"F*ck you Max!"sabi ni Jhaye.
"Hahaha! Sorry bro."natawa pa rin siya at nakipag-apir pa sa isa kong kaklase kong lalake.
Si Jamie naman kinuha ang sandwich niya sa bag. Sakto namang nakita ito ni Bryan.
"Pahingi."sabi ni Bryan.
"Ayoko nga."sabi ni Jamie tapog kinagatan na ito.
"Pahingi naman ako. Please."nakapouty lips na si Bryan.
"Hoy. May pera ka. Bumili ka."
"Hmp. Ang damot."nakasimangot na sabi ni Bryan. Natawa na lang si Jamie. Kumagat uli siya ng sandwich.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Ficção AdolescenteMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...