Chapter 41

3.9K 85 6
                                    


Chapter 41

Plan

Shayne's POV

Nakarating na ako samin. Pagdating sakto wala si papa. Mabuti kung ganun. Naabutan ko si yaya na nanonood ng tv. Nagulat siya sa itsura ko.

"Anong nangyari sayo? Tsaka ang baho mo."bungad niya sakin.

Ang itsura ko? Basa ang buhok dahil binanlawan ko. Marumi ang uniform dahil walang extrang damit. Meron sana kaso yung P.E ko punit. Mabaho pa ako. Nung naglakad ako sa hallway at pauwi na

Nginitian ko siya. "Wala po ito. Nagkatuwaan lang po kami."sagot ko.

"Nagkatuwaan? Anong klaseng katuwaan ba yan? Maligo ka na."

"Sige po."

Umakyat na ako patungong kwarto ko. Nilapag ko ang bag ko at naligo. Nagtagal ako ng ilang minuto sa loob dahil ang baho ko talaga.

Nag-open ako ng Facebook ko. Tiningnan ko ang mga notifications ko. May isa na nakatag sakin. Tiningnan ko naman iyon.

It's a video. Video nung binasagan nila ako ng itlog, binuhusan ako ng harina at Hershey's. May caption pa na 'Suprise birthday cake for Allisa.'

Allisa pala ang pangalan nung babae. 30 minutes pa lang kakapost pero maraming na ang likes. Marami nang views. May mga comments na rin na mga schoolmates ko. May mga nagsabi na 'Bagay yan sa kanya.' 'Nakita ko siya sa cr. She looked horrible!' 'Buti yan sa kanya.'

Tumawag si Jamie sakin sa skype. Sinagot ko naman ito.

Bumungad sakin ang nakakunot noo niyang mukha. Tinanong niya ako dun sa video. Sa sobrang inis niya kulang na lang umusok ang ilong niya. Sabi pa nga niya 'Eh kung basagin ko kaya ang itlog ng mga lalake dun sa video.' Natawa na lang ako sa kanya kahit mukhang seryoso niya.

"Pagkatapos ng klase natin punta ka dito sa bahay. May sasabihin ako."sabi ko. Sasabihin ko sa kanya ang paghihigante ko.

"Bakit? Sa school na lang."

"Mas maganda kung dito sa bahay. Sige na."

Napasimangot siya. "O siya. Oo na. Bye na. Tinawag na ako ni Mommy. Bye!"

Natapos na ang tawagan namin. Napabuntong hinga ako. Nakagawa na ako kung paano makakaganti. Napangisi na lang ako. Magiging exciting ito. Pati ako excited na din. May plano na ako kung paano ako makakaganti.

Pumunta sa na ako sa school. Hindi ako sumabay kay papa. As usual, grabe na naman silang makatingin sakin. Yung iba pa nga, tumatawa pa dahil dun sa video.

Pagkapasok ko ng room nagtatawanan at mukhang nagkukuwentuhan ang mga kaklase ko.

"Oh! Andito na pala si birthday cake!"sabi nung kaklase kong lalake.

Pumunta na ako sa upuan ko. Hindi ko pinansin ang sinasabi nila sakin. Uupo sana ako pero bigla akong nalaglag. Nagtawanan ang mga kaklase ko. Ang sakit ng pwetan ko! Pagtingin ko sa likod, malayo sakin ang upuan. Mukhang nilayo nila sakin ang upuan ko nung uupo na ako.

Inusog ko ang upuan ko para makaupo na. Nakakairita na sila.

Biglang nag-ring ang phone ko. Pagtingin ko kung sino ang tumatawag, isang unknown number. Sinagot ko ito.

"Hello? Who's this?"

"Xandra? Good morning! Si Shiela ito!"

Nagulat ako sa tumawag. Napatingin ako sa paligid. Hindi naman sila nakatingin sakin. Umalis ako sa room at pumunta sa lugar na walang dumadaan na mga estudyante.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon