Chapter 18

4.5K 114 1
                                    


Chapter 18

Announcement

Steve's POV

Bumalik na kami ng classroom dahil dumating na ang teacher namin. Dumating na rin sina Jamie at Shayne. Saan kaya to galing? Umupo na rin siya sa tabi ko. "Saan ka galing?"tanong ko.

"Ahh tumambay lang kami."tipid na sagot niya.

Napa-ahh na lanh ako. Anyway, lessons lang naman tapos after an hour tapos na ang class namin.

"Class dismiss"sabi ng teacher namin. Umalis na ang teacher namin tapos kaming mga classmates inayos namin ang mga gamit dahil uuwi na kami.

Pagkatapos ng ilang minuto nagsimula nang mag-alisan ang mga kaklase ko. Umalis na rin si Shayne kasama si Jamie. Ay alam ko na, gagala rin to. "Alis na kami Steve!!"sigaw ni Timothy.


"Hoy! Teka lang!!"sigaw ko. Tingnan mo to. Iniwan na ako. Sige, ganyan lang kayo. Iwan niyo ako! Palagi naman kayong ganyan. Haha! LOL lang. Saan naman kaya pupunta tong mga gag*ng to. Bahala kayo diyan uuwi na lang ako.


Aalis na sana ako pero may nakita ako sa upuan ni Shayne. Kaninong cellphone to? Kinuha ko naman at tiningnan. Baka sa kanya 'to. Kaya kinuha ko na lang. Iuuwi ko na lang bukas. Umalis na ako sa classroom since ako na lang dito ang natitira.


Pagkadating ko ng bahay parang wala pang tao. Tinawag ko si yaya. "Yaya, asan si Mama?"


"Ahm, kasama po yung kapatid niyo." Sagot niya. Napatango na lang ako. Himala ata. Mas nauna pa akong umuwi. Haaay bahala na nga sila. Pumasok na ako sa kwarto ko. Pumalit na ako ng damit. Nung tapos na akong magbihis ng t-shirt, kinuha ko yung cellphone siguro ni Shayne sa bag ko.


"Sakanya ba talaga 'to?" I murmured. I opened it. Ang wallpaper ay isang anime na lalake. Black hair ang half naked. Hindi ako nagkakamalim si Gray Fullbuster ito ng Fairytail. Akalain mo, mahilig din pala ito sa anime. Hindi halata sa mukha niya ha.


I checked her messages. Then I confirmed kay Shayne nga ito. Tiningnan ko naman ang images. Ano ba ito?! Halos lahat images ni Gray Fullbuster! May iba pang images ng ibat-ibang anime. Ipe-press ko sana yung back button but there is that caught my eyes. Mga pictures ng isang babae. Shit! She is! Picture ito ng mystery girl ko! Mga selfies, pose na parang model siya ng sikat na brand ng mga damit. F*ck! She's so beautiful. Marami siyang picture dito! So I decided to get also my cellphone. Magbu-bluetooth ako ng isa niyang picture.


Bakit siya may picture niya? Kilala niya ang mystery girl ko? Is she her friend? Her relative? God! I want to know! I'll ask her tomorrow. Natapos na ang bluetooth tapos bumaba na ako dahil dumating na sina Mama.

Shayne's POV

"Asan na ba kasi yun?"

"Shayne, wala ba talaga diyan sa bag mo?"tanong ni Jamie sakin.

"Wala talaga ehh."


Nasa labas kami ng Mcdonalds. Aish! Asan na ba kasi yung phone ko?? Eh parang nilagay ko lang yun sa bag ko ehh. Hinanap namin sa loob pero wala ehh.

"Eh sa school?"biglang tanong niya.


Natigilan ako. "Teka, parang imposible naman yun. Eh parang nilagay ko naman yun sa bulsa ko eh."sabi ko. Nako. Kapag nalaman ito ni Dad, lagot ako neto.


"O sige ganito na lang. Pagdating mo ng school, hanapin mo agad sa classroom. Baka nandon yun. Baka nahulog lang. Okay? Balikan mo na lang bukas."nag-aalalang sabi nia sakin. "Tutulungan na lang kita."

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon