Chapter 53
Memory
Xandra's POV
Apat na araw na ang lumipas pagkatapos ng foundation day namin. Nakatanggap kami ng maraming feedbacks coming from the students, even from the teachers. Naging sucessful ito at nag-enjoy ang lahat. I got a credit from my dad. He is proud of me dahil naging maayos ang foundation day ng school. Maging ready pa daw ako dahil may ipapagawa pa siya sakin because in the future ako na ang mamamahala nito.
Naging kaclose ko na rin ang mga SSG Officers. Ang saya nilang kasama. May sikretong sinabi sakin si Aiden, iyon ay ang crush niya daw si Kim. Cute daw siya at saka mabait. Hindi ko naiwasang asarin siya dahil namumula na ang tenga niya dahil sa kilig. Pero naging malungkot ang mukha niya dahil may crush daw si Kim kay Max at alam iyon ng SSG. Wala daw siyang panama sa isang Mallari at miyembro pa ng Black Royalties. Sa tingin ko, hindi naman naiilang si Max kay Kim.
Mas naging sweet sakin si Steve. Noong isang araw, he gave me three red roses. Sakto na maraming estudyanteng dumadaan sa hallway. And I must say that he is good in getting people's attention.
Habang kakwentuhan ko si Jamie, lumapit samin ang kaklase naming lalake na si Julian. Walang masyadong kumakausap sa kanya dahil may pagkaweird daw siya. But if you're going to ask me, hindi naman. Tahimik lang siya at mukhang mahiyain.
"Xandra, pwedeng paturo ng lesson natin sa math? H-hindi ko kasi naiintindihan."nauutal niyang sabi habang nakayuko hawak ang notebook niya.
I smiled. "Sige. Maupo ka." I said.
Napangiti siya at tumabi sakin. "Alin ba ang hindi mo maintindihan?" I asked.
He flip the pages of his notebook. "Eto. Hindi ko talaga siya maintindihan. N-nalilito ako dito." Turo niya.
"Ah, okay. Itatranspose mo lang ito dito then multiply this to twenty." Pagtuturo ko sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto, medyo hindi pa rin niya nakukuha kung papano isasagot. Everytime na titingin ako sa kanya ay iiwas siya ng tingin. It's either titingin siya sa paligid o hindi kaya sa notebook niya.
"Are you okay, Julian? Namumula ang pisngi mo." I said. "May sinat ka b-" Sinubukan kong hawakan ang noo niya pero umiwas siya.
"W-wala! I'm okay. S-salamat nga pala, Xandra." At kumaripas siya ng takbo palabas ng room.
"Teka, hindi pa tayo tapos!"sabi ko. "Ayos lang kaya si Julian?"tanong ko kay Jamie.
"Hindi yun okay. Hindi niya siguro nakukuha ang mga tinuturo mo dahil maala dyosa ang tumuturo sa kanya. Namumula yun sa kilig." Pang-aasar niya.
"Ewan ko sa'yo." Natatawa kong sabi at inalis ang tingin sa kanya.
"Oo kaya! Sa sobrang ganda mo, marami ang nagkakagusto sa'yo. Hindi nga lang sila makalapit sa'yo dahil andyan si Steve. Bakit kasi ang ganda mo?"
I flipped my hair para sabayan ang trip niya at natawa kami. I wonder lang kung alam niya na ang pag-amin sakin ni Timothy. Kung hindi, bahala na siyang alamin. Ayokong sabihin sa kanya dahil medyo nahihiya ako. Sasabihin ko na lang sa kanya kapag handa na ako.
"Maganda ka din naman. May Bryan ka na nga, may Darius pa." Pang-aasar ko sa kanya na dahilan para mamilog ang mga mata niya.
"Tumahimik ka nga! Baka may makarinig sa'yo. Asa pa ako kay Bryan. Atsaka bakit dinamay mo si Darius? Kaibigan ko lang yun."
Sus. Napakadakilang manhid talaga ni Jamie. Halatang parang may crush sa kanya si Darius. Masyado siyang nakafocus kay Bryan. Eto naman si Bryan, manhid din. May gusto siyang iba. Bagay sila, parehong manhid.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Teen FictionMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...