Chapter 29

4.6K 101 10
                                    


Chapter 29

Confession

Shayne's POV

Kasalukuyan kaming nasa activity sa English. Magkapartner kami ni Jamie. Tandang-tanda ko pa kagabi yung huling sinabi ni Steve sakin kagabi.

"Sweet dreams."

"Sweet dreams."

"Sweet dreams."

"Sweet dreams."

Putek! Bakit ba hanggang ngayon sumasagi pa rin yun sa isip ko?? Paulit-ulit nagp-play sa utak ko ang mga sinabi niya. Kagabi nga hindi na naman ako nakatulog ng maayos dahil sa kanya. What does he mean by that? Ang malala, ang lakas ng tibok ng puso ko nung sinabi niya nun. Waaahh! Ano na ang nangyayari sa puso ko?? Nakakai---

"Hoy bes!"

"Ay pusang gala! Nakakagulat ka naman Jamie!"

"Nakikinig ka ba? Kanina pa ako nagsasalita dito!"

"Ay, anong sabi mo?"tanong ko.Napaface-palm na lang siya. Teka, Ano ba ang sinabi niya?

"Ang sabi ko ikaw na ang magsulat nito sa manila paper."dismayadong sabi niya.

"Si-sige."binigay niya naman sakin ang pentel pen at manila paper. Nagsimula na akong masulat ng sagot namin.

"Ano ba ang iniisip mo ha?"

Napatigil naman ako sa pagsusulat. Ano ang iniisip ko? Kung alam mo lang Jamie. Si Steve kasi ehh.

"Wala yun. Wag mo akong intindihin."sabi ko.

Napatango na lang siya. Maya-maya natapos ko nang isulat ang sagot namin sa manila paper tapos nireport namin iyon sa unahan. After a couple of minutes, natapos na ang subject namin. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming upuan. Dumating na rin si Steve.

"Sabi nga pala ni Sven salamat sa regalo mo."sabi niya.

"Sabihin mo sa kanya, you're welcome."nakangiti kong sabi. He just gave me his sweet smile. Iniwas ko na lang ang tingin ko.

Maya-maya nagsimula na naman ang next subject namin. Pina-excuse na naman si Steve dahil practice sa Dazzle Queen. Ay oo nga pala! Bukas na ang pageant! Waahh! Excited na ako! Pano kaya yun noh? Mga lalakeng nakasuot ng mga pambabae.

After 1 hour natapos na ang subject namin, so recess na. Inaayos ko na ang gamit ko.

"Shayne, kain na tayo."nakasimangot na sabi ni Jamie habang nakahawak sa tiyan niya na parang gutom na.

"Sige."

Nagsimula na kaming maglakad. Nung nakapasok na kami sa cafeteria, medyo mahaba ang pila. No choice kundi ang mag-antay.

"Ano ba naman yan. Ang haba ng pila."narinig kong bulong ni Jamie sa likod ko.

"Konting tiis lang Jamie. Makakabili rin tayo ng pagkain natin."

Pagkatapos ng ilang minutong pagpila, bumibili na kami ng pagkain namin. Nakita ko naman na umuorder si Jamie ng spaghetti, coke in can, isang slice ng cake, sandwich at one bottle of water. Ang dami ng order niya! Halos puno na yung tray sa dami ng order niya. May ililibre kaya siya?

Umupo na kami sa nahanap naming table. Pagkaupo namin, lumamon agad si Jamie. Tapos lamon tapos inom ng coke. Sunod-sunod ang lamon!

"Jamie, dahan-dahan naman. Pinagtitinginan ka oh."sabi ko. Pagkatingin niya sakin, tumingin naman siya sa paligid.

"Oh well, I don't care. Hindi kaya ako kumain ng agahan."sabi niya tapos lamon na naman.

Napatango na lang ako. Kumain ulit ako. Grabe pala itong si Jamie kapag gutom. Grabe ang sunod sa lamon. Kawawa ang mga dragon sa tyan niya. Bigla namang dumating si Bryan at naupo sa tabi ni Jamie.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon