Chapter 40Revenge
Shayne's POV
Mabilis lumipas ang araw, ganun pa din ang tingin sakin ng mga estudyante. Or should I say lalong lumala. Dalawang linggo na pala ang lumipas. Sa lumipas na panahong yun kung ano-ano ang pangbubully sakin ng mga estudyante. Hindi pa rin sila makaget-over dun. Hello? Matagal na yun! Masyado nilang dinadamdam ang videong yun. Bakit ako ang ginaganito nila? Eh diba dapat si Steve kasi siya ang nanloko? Ay, oo nga pala. Nakalimutan kong isa siyang hearthrob dito at sikat siya. Tapos ako ay isang hamak na nerd lang.
"How's your school?"tanong ni papa habang kumakain kami ng dinner.
Napalunok ako. "Uhm, it's okay. Wala naman pong masyadong nangyari."
Sorry dad. I lied to you. Ayoko lang sabihin sa inyo na binubully na ang anak niyo. Kung sasabihin ko kasi, malalaman nila na anak ako ng may-ari ng school. Hindi naman sa ikinakahiya ko si papa. Ayoko lang talaga. Malalampasan ko din ito.
"It's okay? Himala ata. Dati nagk-kwento ka sakin ng mga nangyayari tungkol sa pag-aaral mo pero ngayon parang hindi na. May problema ba?"tanong niya.
Natigilan ako. Napansin pala ni papa. Tama siya. Hindi na ako masyadong nagk-kwento tungkol sa school. Dahil na din sa mga nangyayari sakin.
"W-wala naman po."sabi ko nang nakatingin sa plato ko.
Tumango siya. "Good. Basta kapag may problema ka, wag kang mahiyang sabihin sakin. Okay?"nakangiti niyang sabi. My lips formed a fake smile. Hindi na lang ako nagsalita.
--
Nagsimula na ang klase. Wala akong katabi. Gusto sanang tumabi sakin ni Jamie kaso ang teacher namin ay yung strikto. Ayaw pa naman nung palipat-lipat ang estudyante ng upuan. Gusto niya lahat nakikinig sa kanya ang lahat kahit napakaboring ng subject niya. Matanda pa naman siya. Haays.
Sumunod ang next subject. P.E namin. Sabay kami ni Jamie na pumunta ng locker room dahil andun ang P.E uniform namin. Pagbuka ko ng locker ko, laglag ang panga ko na punit-punit ang P.E uniform ko. Pagsinuot makikita na ang katawan mo.
"What the hell?! Anong nangyari sa damit mo?"halos na pasigaw na sabi ni Jamie.
Napatingin samin ang mga kaklase ko. Nung nakita nila ang uniform ko ay napangisi sila. Nagbulong-bulungan pa ang iba.
"Paano na yan? Ano ang susuotin mo?"tanong niya.
"Hindi na lang siguro ako sasali sainyo. Okay lang."sabi ko nang nakatingin pa rin sa punit na damit. Hindi ito okay sakin. Hindi na ako magtataka kung sino ang may gawa nito.
"Anong okay? Sira ka ba? May laro tayo noh! Tsaka mamarkahan kang absent!"sabi niya.
Wala na akong pakialam kung may laro kami. Wala na din akong pake kung anong mangyari sa grades ko. Isa lang naman yan eh.
"Bahala na Jamie. Bibili na lang ako ng bago."sabi ko.
Napabuntong hininga na lang siya. Ilalagay ko na sana sa loob ang damit kaso nang may nagsalita sa likod.
"Gosh! What happen to your uniform?"sabi ni Charlize.
Kasama niya sina Aya, Bliss at Meghan na nakacross arms at nakangiting pang-asar. Nakasuot na silang P.E uniform.
"Obvious namang punit ang uniform niya. Nagtanong ka pa."sabi ni Jamie at inirapan si Charlize.
"I'm not talking to you girl."mataray na sagot at bumaling sakin.
"Pano na yan? Kawawa ka naman."
Kawawa mong mukha mo! Alam kong napakaplastik ng pagkakasabi mo nun! Sing plastik yun ng mukha mo! Ipakain ko kaya sayo itong uniform ko, gusto mo?
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Dla nastolatkówMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...