Chapter 36

3.6K 61 3
                                    


Chapter 36

You are my person

Charlize's POV

Hello guys! At last binigyan na din ako ni author ng POV. Ang tagal ko kayang hinintay to. Nakakastress kayang maghintay. Haay nako. Makapag-make up nga.

Tumayo ako para mag-order ng mango shake para mafreshen up ako. Gosh! Sobrang init! Buti nakapaglagay ako ng lotion para hindi ako umitim. Ayoko pa naman nun. Magmumukha akong dugyot. Like eewww.

Pagkatapos kong mag-order, nahagip ng mata ko si Shayne. A bright idea came strucked to my mind. Napangisi ako. Sakto andun pa naman ang Black Royalties lalo na si Steve KO. HE'S MINE. At nakakasukang tingnan na kasama niya ang malanding yun.

Lumapit ako sa kanila and I acted na tinapunan si Shayne ng shake ko. Sayang hindi sa pangit niyang mukha natapon. Maybe next time ko na lang gawin.

"What the--!"

"Oh my gosh! Sorry!"

What the hell. Sorry? Gosh. Like I meant it.

Nakita ko si Shayne na parang kukuha ata ng panyo sa bulsa pero parang wala ata panyo. Mabuti para mas magmukha siyang kawawa. Pero nakita ko sina Steve at Timothy na inoofer ang kanilang panyo kay Shayne. Anong ibig sabihin nito? Bakit si Timothy rin? Don't tell me nilandi niya rin si Timothy?

Kinuha ni Shayne ang isang panyo at pinunas sa damit niya.

"Shayne I'm very sorry. Hindi ko sinasadya." Parang gusto ko atang masuka sa sinasabi ko. Sorry? Psh.

"It's okay."sabi niya habang pinupunasan ang damit niya.

Tumayo si Jamie. "Shayne, tara sa kwarto. Magpalit ka ng damit."sabi niya. Lalakad sana sila pero nagsalita si Bryan.

"Hindi sinasadya? Seryoso ka ba dyan?"napatingin kami kay Bryan.

"What?"

"Seryoso kang hindi mo sinadya? Kasi nakita kita. Sinadya mong tapunan si Shayne."sabi niya with a serious look.

"Napatingin sila sakin. Napalunok ako. "A-anong bang p-pinagsasabi mo Bryan? Aksidente ang nangyari."Shit! Bakit ako nautal?

"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Akala mo walang nakakita sayo. Dream on."sabi ni Bryan with a smirk on his face.

"Bryan, okay na. Aksidente naman daw ang nangyari."sabi ni Shayne. Psh. Nagbabait-baitan lang siya kung alam ko lang.

Nagsalita ulit ako. "Sorry talaga Shayne." Pumunta na ako sa table namin. Andun ang mga beshies ko na kumakain. Binagsak ko ang baso sa baso na nagpagulat sa kanila.

"Argh! Kainis!"

"Oh bakit? Anong problema?"tanong ni Bliss.

"Oo nga."sabi ni Aya tapos uminom siya ng iced tea.

"Tinapunan ko ng shake si Shayne. Kaso nga lang may nakahalata sakin na hindi ko sinadya. Ang worst part, si Bryan pa."sabi ko.

"What? Oh em gee!"sabi ni Meghan.

"Yeah. Napahiya nga ako dun eh. But whatever, may next time pa naman. Ipapahiya ko na talaga yang si Shayne."lagot ka sakin Shayne. Dahil sayo napahiya ako sa kanila.

Shayne's POV

Nasa kwarto kami ni Jamie. Nakapagpalit na ako ng damit.

"Damn that bitch. Hindi niya daw sinasadya. Utot niya."sabi ni Jamie.

"Baka naman talaga hindi niya sinadya. Sabi niya aksidente naman daw eh. Tsaka nagsorry na rin siya."sabi ko tapos sinara ko na ang bag ko.

"Aksidente. Psh. Ipasagasa ko siya sa bus eh. Saka sorry? Wala sa vocabulary na ang salitang yun! Labas yun sa ilong niya! Halata namang hindi sincere ang sorry niya."

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon