Chapter 3Encounter
Shayne's POV
Andito ako ngayon sa cafeteria. Kumakain ako ng biglang may sumigaw na babae.
"Aaahh! Andyan na ang Black Royalties!"
Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Kinikilig pa siya. Nagkagulo ang mga babae sa loob. Hanggang sa bumukas ang pinto. May pumasok na limang kalalakihan dahilan para magtinginan ang mga babae sa kanila.
Black Royalties? Whatever. Wala akong pakialam sa kanila. Gutom na gutom na ako. Di pa ako nag-aalmusal. Bigla na lang tumigil ang ang hiyawan at naramdaman kong may kakaiba sa paligid ko.
"Miss. If it's okay to you, that's our private seat. Nakareserve yan para samin. Di mo ba nakikita na 'For Black Royalties Only'? If you dont mind then go."
Napatingin ako sa nagsalita. I admit it. He got the looks pero mukhang masungit.
"Oh, I'm really sorry."
Niligpit ko yung gamit ko at kinainan ko at tumayo na. Maglalakad na sana ako pero nadapa ako ng hindi sa oras.
Nagtawanan ang mga estudyante sa loob. Their atention are on me! Ang nakakainis pa, nagkastain pa ang blouse ko! Bakit kasi spaghetti ang binili ko?
"Oopps! Sorry."sabi nung isang guy.
I rolled my eyes at tumayo na. Pinulot ko ang natapong pagkain at nilagay sa plato. Naglakad na ako papunta sa lalagyan ng mga tirang pagkain at tinapon ko ang spaghetti ko.
Naglakad na lang ako papuntang Comfort Room. Habang pinupunasan ko yung stains sa damit ko mula sa spaghetti, may biglang humawak sa braso ko kaya napalingon ako.
"Miss, I think you need this."sabi nung lalake.
Napatingin ako sa dala niyang paper bag. Inabot niya ito sakin.
"Salamat na lang. I can handle."nahihiya kong sabi.
"Tanggapin mo na. Ang dumi na ng blouse mo."
Wala na akong nagawa kundi tanggapin. Binuksan ko ito at isang blouse ang nasa loob.
"Thanks."nakangiti kong sabi.
Ngumiti siya at umalis na. Pero bago ko pa matanong ang pangalan niya ay nakalayo na siya. But I'm thankful dahil sa ginawa niya sakin.
Steve's POV
Nakakairita naman yung babae na yun. Namumuro na siya sakin. Hahah! Natatawa talaga ako pag-naaalala ko yung moment na pinatid ko siya. Para siyang ewan dun.
"Guys. Ano naka-order na ba kayo?"sabi ni Tim.
Nagulat naman ako kay Timothy. Di ko namalayang nakarating na pala siya. Pano bigla ba namang umalis pagkatapos nung incident with the girl.
Nga pala, he is Timothy John Xanders. Isa sa miyembro ng Blavk Royalties. Mabait, gwapo at medyo tahimik. He is the ideal guy of every girl kasi. Hindi lang siya gwapo at mayaman, he has the personality that suits in a word "good guy".
"Hindi pa dude.... pero saan ka ba galing?"sabi ni Jhaye.
Jhaye Anderson. Gwapo, mayaman, crush ng bayan and also one of the girl's ideal guy kaso nga lang masungit. Ubod ng sungit. Ewan ko ba kung saan siya pinaglihi ng mama niya kaya ganyan siya. Minsan lang yan di nagsusungit. Sabihin na lang natin na 'Once in a blue moon'.
"Oo nga. Wher have you been? Ikaw na lang yung hinihintay nami eh."sabi ni Max.
He is Max Mallari. Mayaman, gwapo, maputi kaso nga lang medyo chickboy. Siya ang pinakamatalino samin, in short he is the Campus Genius.
"Btw. Tim samahan mo na lang ako. Tayo na lang mag-order ng foods. Gutom na talaga ako."sabi ni Bryan.
He is Bryan Thurbner. He is the Boy next door samin. Gwapo, mayaman at mahilig kumain. Ewan ko ba kung saan saan niya nilalagay ang mga kinainan niya. Sa aming lahat siya ang pinakamaingay.
"Yeah. Mamaya na ang chismisan mga pare. Go and get our food" -me.
Uhmm ako? Ako lang naman si Steve Alex Gonzales. The one and only. Ang PInakagwapo sa Black Royalties. Cute, gwapo, HOT, at medyo kinakatakutan. Walang aangal! Sinasabi ko ang totoo.
"Sige na pare. Tara kuha na tayo."sabi ni Tim.
Pumunta na sila dun sa may cashier para bumili ng pagkain namin. After several minutes, nakabalik na sila.
"Mga dude, eto na oh."sabay baba ni Bryan ng tray sa mesa.
Umupo na sila at ayun, si Bryan nilantakan agad yung pagkain. Ang takaw talaga ni Bryan. Di ko nga alam kung saan nyan nilalagay ang mga kinainan niya eh. Habang kumakain kami, nagsalita si Jhaye.
"Saan ka nga pala galing Tim?"
"Ah, wala. May tiningnan lang ako."sabi niya.
"Ganun ba?"sabi ni Max.
"Oo. So, bakit niyo natanong?"tanong ni Tim.
"Ah, wala naman."sabi ni Bryan.
Napatawa kami kay Bryan kasi magsalita daw ba ng puno ang bibig. Edi ang tendency at tumapon yung kinain niya. Eeeww. Kadiri kaya! Haha!
Wait. Parang may kakaiba sa kinikilos ni Timothy. Parang hindi ako sang-ayon sa sinabi niyanh dahilan. Anong meron? Bakit parang may tinatago siya samin?
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Novela JuvenilMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...