Chapter 47

3.9K 90 5
                                    

Chapter 47

Desperate

Xandra's POV

Kasalukuyan kaming gumagawa ng activity sa science. Nagsusulat ako ng sagot namin sa manila paper. Pagkatapos ng ilang minuto, nirepot namin ang mga sagot namin. Natigil lang kami sa pagsasalita ng may kumatok sa pinto.

Binuksan ito ng kaklase ko at bumungad samin si Ma'am Tina.

"Ma'am, excuse lang. Pwedeng mahiram saglit sina Ramirez at Mallari?"tanong ni Ma'am Tina.

Napatigil sa pag-inom si Max ng natawag siya. Napakunot noo ako. Anong kailangan niya?

"You may go, Ramirez at Mallari."

Tumayo na si Max at naglakad na. Bumaling ako sa mga kagrupo ko at sinabing 'kayo muna'. Tumango naman sila. Naglakad na ako palabas.

"Bakit po?"tanong ni Max.

"May pag-uusapan tayo sa principal's office. Sumunod kayo sakin."sagot ni Ma'am Tina.

Pagdating namin sa office ni dad, andun si dad syempre, dalawang guro at mga schoolmates ko na nasa 10 ata. Nakaupo sila sa mahabang sofa. Anong ginagawa nila dito? May ginawa ba silang kalokohan?

Napatingin ako kay Max na lumapit sa kanila. Nakipaghigh five siya sa apat na lalake at naupo sa tabi nila.

"Bakit mo po kami pinatawag, dad?"tanong ko sakanya na nakaupo sa swivel chair.

"Since one and a half week to go na ang foundation day, gusto ko na kayo ang magplano nito. Anak, I want you to help them. Assigment ko yan sayo."sabi ni dad.

Napatango ako. Maybe he gives me this as an assigment para i-test ako dahil ako rin naman ang magmama ng eskwelahan niya. Napatingin ako sa mga schoolmates ko na bakas sa mukha ang excitement pero may isang babae na medyo seryoso ang mukha.

"By the way, sila ang mga SSG Officers. The Foundation day will be on Friday. Bahala na kayo kung ano mga plano niyo. Pwede kayo magbooth, games o ano pa. Basta pagkatapos ng meeting niyo, sabihin niyo agad samin ni Mr. Mendoza ang plano. Is that okay?"

"Opo, principal. Makakaasa po kayo."sagot nung babaeng medyo seryoso na nakaponytail.

"Well, then its settled. You may go."

Umalis na kami sa office ni papa. "Xandra, sumunod ka samin. Sa SSG Office tayo magmimeeting."sabi ni Max.

Sumunod ako sa kanila. Pagdating namin sa loob, may kalakihan ang room. May dalawang long sofas. Fully aircondition, tables at kung ano-ano pang mga kagamitan ang kailangan nila.

Naupo kami sa long table. Max offered me a seat beside him. Naupo na rin sila hudyat na magsisimula na ang pag-uusapan namin. Naupo yung babaeng nakaponytail sa unahan.

"Bago tayo magsimula Xandra, magpapakilala muna kami. Ako si Justine, the president of SSG."

Ngumiti ako sa kanya. Justine pala ang pangalan nung babaeng serious-type. Boyish ang pangalan niya pero maganda. I like it.

"Siya si Mia, ang secretary namin."turo niya sa tapat ko.

Ngumiti siya sakin at kumaway. "Hi!"nakangiting sabi niya. Binati ko naman siya.

"CJ, our Treasurer. Si Amy, the Auditor. Kim, the Peace Officer. Si Danica ang Muse at si Aiden ang Escort namin..."

Pinakilala niya pa ang ibang officers. Ngumiti sila sakin at binati. Friendly naman sila. Mukhang madaling pakisamahan.

"Uy pres, ako! Hindi mo pa ako pinapakilala."medyo nagtatampo na sabi ni Max.

Napatingin si Justine kay Max. "Andyan ka pala. Akala ko wala. Xandra, siya si Mallari. Vice President namin."poker face sa sabi ni Justine.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon