Chapter 16

4.6K 108 2
                                    


Chapter 16

Chuckie

Shayne's POV

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang classroom. Naalala ko tuloy yung pagpatawad ko kay Steve. Hahahaha! Naniwala naman. Duh! Joke lang yun noh! Kahit kailan hindi ko siya papatawarin. Ang dami niya kayang atraso sakin. Sobra na akong napapahiya sa kanya.

"Hi Shayne!!" May umakbay sakin. Sino naman ito?

"Ay bakla ka! Ano ba. Nakakagulat ka." Kainis ka Steve. Nasa pag-iisip ako bigla mo akong aakbayan ng di oras.

"Ay sorry. Masaya lang ^___^" halata naman Steve diba? -__-

"Ang aga-aga ang hyper mo. Ano bang nakain mo?"tanong ko.

"Nakain ko? Uhm, hotdog, bacon tapos kanin." Binatukan ko siya. Aba namimilosopo ka pa. "Aray! Masakit yun ha."

"Talagang masakit yun. Namilosopo ka pa."sabi ko.

"Sorry naman oh."

"Gosh! Si Steve!!"

"Kyaaahhh!"

"Eh sino yang kasama niya?"

"Duh! Ang pangit niya!"

"Nerdy."

"Dapat ako yung kaakbay niya!

Wow kung bubulong kayo siguraduhin niyo na hindi ko maririnig ha. At kaakbay?? Inalis ko ang pagkakaakbay ni Steve sa balikat ko.

"Bakit?"napatingin siya sakin.

"Anong bakit? Eh tinitingnan tayo oh." Tiningnan naman ni Steve ang paligid. Ngumiti naman siya.

"Oh. Ano naman? Masama bang ikaw ang kaakbay ko?"sabi niya habang nakangiti.

"Oo."tipid kong sagot. Umakbay na naman siya sakin. Ughh! Nakakainis na!

"Hindi ka ba titigil?"

"Hindi." Aba. Nakangiti pa talaga ha? Wala na talaga akong magagawa dito. Hinayaan ko na lang siya. Pero kasi ehh! Marami saming nakatingin. Yung iba naiingit. Yung iba kung makatingin akala mo para nang papatay. Bahala kayo diyan. Pwes mamatay kayo sa inggit. Hoy mga readers! Hindi ibig sabihin niyan na ginusto kong magpaakbay! Masyado na siyang makulit.

Nakarating na kami sa classroom. Ganun din. Nakatingin din samin ang mga kaklase namin. Yung iba nagulat, nakakunot ang noo, yung iba nadidiri. Ay whatever. Bahala na kayo diyan.

Nilagay ko na ang bag ko sa upuan. Lumapit naman si Jamie sakin." Uy, bes. Ano yun?"

"Ang alin?"

"Yung inakbayan ka ni Steve."

"Ah yun? Wala yun. Nagpapapansin lang yun."sabi ko.

"Ahh. Akala ko kasi ano na ehh.."

"Anong akala mo?"tanong ko.

"Ah hehe wala naman."sabi niya.

Ilang minuto rin kaming natahimik ni Jamie. May bigla namang magsalita.

"Ay nako. Andami na talaga ngayong malalandi."sabi ni Charlize habang nagme-make up.

"Right girl. Akala nila sobra nilang ganda."sabi ni Meghan.

"Mga walang hiya talaga to."bulong ni Jamie. Tatayo na sana siya pero pinigilan ko na. "Jamie wag mo nang patulan."sabi ko habang nakahawak sa braso niya. Umupo na lang siya.

"Kung makapagsalita siya ng malandi parang hindi sila ahh."sabi niya habang nakatingin sa kanila.

"Oo nga eh. Pero hayaan mo na. Malay mo balang araw mare-realize nila na malandi pala sila."sabi ko.

When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon