Chapter 27The Man Who Can't Be Moved
Shayne's POV
Habang kinukwento niya yun, itinigil ko naman yung pagpupunas sa kanya. Eh parang gustong-gusto kong malaman ang kwento niya. Kung pano namatay yung babaeng mahal niya.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang magsuka. Yaakk! Eeww! Buti na nga lang hindi sa kama kundi sa sahig. Nakakadiri!
"Ayy! Ano ba yan Steve?! Ba't bigla ka na lang nagsuka? Nakakadiri naman!"sabi ko. Pinunasan ko naman yung bibig niya.
Ughh! Pano na to? Ano na ang gagawin ko? Kainis naman kasi itong Steve nato! Naglasing pa! Ginagawa na akong kasambahay! Pinahiga ko muna siya tapos tumayo na ako. Lumabas muna ako ng bahay tapos kumuha ako ng dustpan at walis tingting. Bumalik naman ako sa kwarto. Nagtutulog na si Steve. Sinimulan ko naman walisin yung sinukahan ni Steve.
"Eww. Nakakadiri naman."bulong ko.
Pagkatapos lumabas ako ng bahay. Tinapon ko naman ito sa basurahan at nilinis yung dustpan. Kumuha naman ako ng mop. Pinunasan ko yung sahig. Kumuha naman ako ng Katinko. Nilagyan ko siya sa noo niya.
"Alam mo nakakainis ka. Ginawa mo pa akong instant nanay mo na aalaga sayo."sabi ko habang nilalagyan ng Katinko sa noo. Napatingin naman ako sa mukha niya. Ang peaceful niyang tingnan. Hinawakan ko naman ang ilong niya. Ang tangos! Naisipan ko naman na pingutin. Ay wag na pala, baka di makahinga. Ang kinis ng mukha! Alagang-alaga. Yung buhok naman ang sarap sabunutan! Haha! Char lang. Ay tama na nga. Baka may magawa pa ako sakanya.
"But you know what, I feel sorry for you. Hindi ko naman aakalain na ganun pala ang nakaraan mo. Naawa nga ako sayo ehh. Pero alam mo, kahit wala na si Angel, nagpapasalamat siya sayo. Alam mo yun. Sa lahat ng pag-aalaga mo sa kanya, sa pagiging kaibigan. At lalo na sa pagmamahal sa kanya kahit hindi niya alam."
"At saka sabi mo kanina, naisipan mong paglaruan ang mga babae. Kaya naman pala. Grabe ka naman. Dinamay mo pa talaga kami. Siguro may dahilan naman si lord kung bakit siya nawala. At saka, hindi naman lahat ng babae iiwan ka. Meron namang diyan na hindi ka iiwan. Yung andyan lang sa tabi mo. Tulad ko."
Gosh. Ano yung nasabi ko? Teka, erase! Erase!
"Ano yung nasabi ko?! Hala! Ay, makaalis na nga dito."bulong ko. Tumayo na ako. Pero ang hindi ko inaasahan, bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Please stay."sabi niya.
*dugdug*
*dugdug*Anong sabi niya? Stay daw? Ano ako, aso? At saka, gising pa siya?? Narinig ba niya yung mga nasabi ko? Aalisin ko sana yung pagkakahawak ng kamay niya sakin pero hinigpotan pa niya ito.
Napakamot naman ako. "Sige na nga. Magpasalamat ka lasing ka kundi baka nasuntok na kita."
Hindi ako tutulog sa tabi niya noh! Ayokong makatabi ng isang lasing. Nakaupo lang ako sa tabi niya. Inirest ko lang ang ulo ko sa kama. Maya-maya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Steve's POV
Nagising ako na masakit ang ulo ko. "Shit. Ang sakit ng ulo ko."sabi ko. "Teka, asan ako?"
Asan ako? Hindi naman ito ang kwarto ko. At saka bakit nag-iba ang damit ko? Tumayo na ako. Pagkalabas ko ng kwarto, hindi nga bahay namin. Hindi naman condominium. Kaninong bahay to? May narinig naman akong nagluluto sa kusina. Pumunta naman ako dun. May naabutan ako dung babaeng na nagluluto. Hindi ko naman makit ang mukha niya kasi nakatalikod.
"Sino ka?"
"Ay walangya ka!"nagulat naman siya. Napatingin siya sakin. Si Shayne? "Gising ka na pala."
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Teen FictionMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...