Chapter 5
Ang yabang!
Shayne's POV
Sa wakas uwian na din. Pumunta muna ako sa library para maghiram ng libro. Pumunta ako sa shelves ng Harry Potter. Mahilig kasi akong magbasa niyan eh. Maganda kasing basahin eh. Yung binasa kong libro kanina nung tinawag ako ni Timothy ata yung pangalan? Akalain mo yun, meron palang ganyan sa library ng school ni papa.
Sa wakas! Nakita ko rin ang libro! Kukunin ko na sana ang libro pero may biglang kumuha nito sa shelf. Ang kumuha lang naman ng libro ay walang iba kundi yung katabi ko sa upuan. Si Steve.
"Hoy akin yan!"sabi ko.
"Akin kaya!"sabi ni Steve
"Akin yan kasi ako ang unang nakakakita!"pagkasabi ko nun ay inaagaw ko sa kanya ang libro.
"Ako naman ang unang nakakuha."sabi niya sabay agaw sakin.
"Wala akong pake kaya akin na yan!"sambit ko. Ngayon ang sitwasyon namin ay nag-aagawan na sa libro na hindi nabibitawan. Pilit kong inaagaw sa kanya ang libro pero hindi ko maagaw. Ayaw niyang bitawan. Ang lakas niya!
"Akin na!"sigaw niya.
"Bitawan mo sabi eh! Bakit ba ang kulit mo, ha?"tanong ko.
"Ako ang unang nakakuha kaya bitawan mo."
"Ayoko nga! Ano ka, sinuswerte?"
"Ahh, kaya naman pala. Kaya ayaw mong bitawan itong libro na to kasi gusto mo ganito tayo palagi. Bakit kasi hindi mo na lang aminin na may gusto ka sakin, Nerdy?"pagmamayabang niya.
" 'smirks' Ako? Magkakagusto sayo? Ang kapal mo! Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang mayabang na katulad mo!" Duh! Mas gugustuhin ko pang magkagusto sa aso ng kapitbahay namin kaysa sakanya!
"Weh? Sigurado ka? Sa gwapo kong ito hindi ka man lang magkakagusto?"ang yabang niya!
"Oo! Not in a million years!"sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Alam niyo kung bakit? Pagkatapos kong sabihin sa kanya nun ay bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napasandal ako sa may shelf.
"Ngayon sabihin mo sakin na wala kang gusto sakin."sabi niya in a husky voice. Shems! Sobrang lapit niya! Siguro mga 2 inches na lang maghahalikan na kami! Para hindi niya makuha ang pinakamamahal kong first kiss..... bigla ko LANG naman tinadyakan yung ANO niya.
"Aarrrggghhhh! Shit! Bwisit ka panget! Humanda ka sakin!"sabi niya habang hinahawakan niya yung ANO niya. Pagkasabi niya nun ay nabitawan niya yung libro. Kinuha ko na ang libro.
"Ayan. Yan kasi ang napapala ng mga MAYAYABANG. Oh pano ba yan? Akin na tong libro. Babooo!"sabi ko.
Bwist na lalake yun. Akala niya kung sino siya. Akala mo kung napakagwapo. Oo inaamin ko gwapo nga siya pero wag na niyang ipagmayabang! Kainis! Nakakabadtrip! Pero ayos na rin yun. Nakuha ko rin ang libro.
Steve's POV
"O ano Steve? Sabay na tayong umuwi?"pag-aalok ni Max.
"Nako Max, sorry. Di muna ako sasabay sainyo. Pupunta pa kasi ako sa library eh."sabi ko.
"Weh? Pupunta ka ng library?"hindi pa ba halata? Kakasabi ko lang.
"Ay hindi, hindi. Pupunta ako ng cr. Oo kakasabi ko lang eh."sarkastiko kong sabi.
"Whatever. Pero akalain mo, pupunta ka sa library? Anong nakain mo?"tanong niya.
"Wala ka na dun."
"Psh. Sungit. O sige una na ako. Bye!"
"Bye."sabi ko.
Umalis na kami sa classroom. Papunta na ako sa library. Oo sa library. Akala niyo di ako pumupunta dun ahh. Sorry, di lang kasi halata sa napa gwapo kong mukha. Habang papunta ako sa library, maraming nagpapapansin saking mga babae. Ginantihan ko na lang sila ng ang aking precious KILLER SMILE. Tumili naman yung mga babae.
Pumasok na ako sa library. Konti na lang ang mga estudyante. Pagkapasok ko nang library umalis yung librarian. Pumunta ako sa section ng mga librong Hary Potter. O diba nagbabasa ako ng Harry Potter. Sobrang ganda kasing basahin eh. Marami akong mga libro nun sa bahay. Hinahanap ko ngayon yung ibang episodes.
Hanap....
Tingin.....
Hanap....
Tingin....
Han---
Okay! Nahanap ko na! Nang kinuha ko na ito sa shelf may babaeng sumigaw sakin. Di ko siya napansin. Siya lang naman yung katabi kong PANGET.
"Hoy akin yan!"
"Ako naman ang unang nakakuha."totoo naman ahh. Kukunin na niya sana yung libro kanina pero nakuha ko na.
"Wala akong pake kaya akin na yan!"sabi niya. Nag-aagawan na kami sa libro. Yung para bang Tug of War ang peg. Kung lubid ang gamit, samin libro. Inaagaw niya sakin ang libro pero mukha atang di niya nagagawa.
"Akin na!"sigaw niya.
"Bitawan mo sabi eh! Bakit ba ang kulit mo, ha?!" Ha! At ako pa talaga ang nagmumukhang makulit? Eh siya nga itong makulit eh. Di pa bitawan.
"Ako ang unang nakakuha kaya bitawan mo!" Totoo naman na ako ang unang nakakuha ahh! Malas nga lang, nakita niya nga di na niya kinuha agad. Ayan tuloy naunahan.
"Ayoko nga! Ano ka sinuswerte?" Halata naman diba panget?
'TING!!'
Ngayon nakuha ko na ang ibig niyang sabihin. Gagawin ko na ang naisip kong paraan para maagaw ko sakanya ang libro. Sa ganitong paraan, makukuha ko ang libro. Ang talino ko talaga!
"Ahh kaya naman pala. Kaya ayaw monng bitawan itong libro na to kasi gusto mo palagi tayong ganito. Bakit ba kasi hindi mo na lang aminin na may gusto ka sakin, Nerdy?"ito ang naisip kong paraan. Hindi pa ito may susunod pa. Mukha ata siyang nagulat.
" 'smirks' Ako? Magkakagusto sayo? Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang mayabang na katulad mo!" Ako? Mayabang? Hindi naman ahh. Sinasabi ko lang ang totoo.
"Weh? Sigurado ka? Sa gwapo kong ito hindi ka man lang magkakagusto?"sus! Alam kong pakipot lang to!
"Oo! Not in a million years!"sigaw niya.
Okay. Hindi pala ahh. Tingnan natin kung wala siyang gusto sakin. Gagawin ko na ang step 2 ko. Pagkatapos niyang sabihin sakin yun ay nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya kaya napasandal siya sa shelf. Natawa na lang ako sa loob-looban ko dahil nanlaki ang mga mata niya.
"Ngayon, sabihin mo sakin na wala ka gusto sakin."I said it in a husky voice. Mukhang sasabihin na niya may gusto siya sakin. Siguro ang distansya lang namin eh mga 2 inches ata? Nagulat na lang ako dahil tinadyakan niya yung ANO ko.
"Arrrrrggghhh!! Shit!! Bwisit ka panget!! Humanda ka sakin!!"OUCH!! Sobrang sakin ng ginawa niya sakin! Napahawak na lang ako sa ANO ko. Kawawa naman yung ANO KO! Nabitawan ko na lang yung libro.
"Ayan. Yan kasi ang mga napapala ng mga MAYAYABANG. O pano ba yan? Akin na tong libro. Babooo!" Talagang inaemphasize niya yung mayayabang. Umalis na siya dala yung libro.
Nanatili muna ako sa pwesto ko. Sobrang sakit lang. Nung konti na lang yung sakit, hinanap ko siya sa labas hanggang sa nakarating ako sa gate. Sayang. Di ko siya nahabol. Pumunta na lang ako sa kotse ko. Nakita ko pa duon ang mga tropa ko.
"Oh anyare sayo Steve? Badtrip ka ata."sabi sakin ni Timothy.
"Halata naman diba?"talagang badtrip ako! Sobrang halata.
"Badtrip nga."yan na lang ang nasabi niya.
"O tara Steve. Gala na lang tayo."sabi ni Jhaye.
"Sige. Gusto ko yan."pumunta na kami sa kotse namin. Di ko alam kung saan kami pupunta. Bahala na. Mawala lang yung badtrip ko dun sa panget.
BINABASA MO ANG
When the Casanova Prince Falls In Love (Royalties Series #1)
Ficção AdolescenteMeet Steve Alex Gonzales. Gwapo, mayaman at leader ng sikat na grupo ng mga lalaki na Black Royalties sa kanilang eskwelahan. He is one of the guys na pinapangarap ng mga babae. Kaso siya ay flirt, playboy--in short Casanova. He is the Casanova Prin...