Panimula

2.8K 628 276
                                    

"I've finally caught up to you."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng gago. Dahan-dahan ko siyang nilingon at 'yon, nakatayo siya sa may crossing sa aking kanan.

Paniguradong kanina niya pa ako hinahanap at pawis na pawis siya.

He's just also a couple of meters away from me at kapag hindi ako listo sa susunod niyang pagkilos ay paniguradong maaabutan niya ako.

Seryoso siyang nakatingin sa akin habang tagaktak 'yong pawis niya sa noo. Binasa rin nito ang ilang bahagi ng damit niya kaya ang cool niyang tignan. Apaka hot, papi!

Ang romantic pa sana ng imaginations kong gano'n nang makita ko ang hawak niya.

Walis tingting lang naman potangina. Pangarap ko namang mapalo ng bagay sa mukha pero hindi ng walis tingting, opo.

He took a few steps towards me kaya napapaatras ako.

"A-Ano nanaman bang trip mong l-laruin ngayon?" Uutal-utal kong tanong. "Tumbang preso nalang, oh? 'Di kasi ako marunong ng eskrima, eh."

"Relax," ngumisi siya. "We're not playing fencing, we're playing kill the thief."

Napanguso ako. "Sorry, pass. 'Di ko alam ang larong 'yan."

'Di ko alam kung ilang beses na akong napalunok at mukhang seryoso talaga siya sa gagawin niya.

Mukha ba kasi talaga akong magnanakaw? Ang ayos na nga ng suot ko ngayon, eh, mukha parin akong kriminal?!

Ang sarap sana sa feeling 'yong nakakausap mo ang isang pogi at sikat na lalaki na may orange na hair kaso may dalang walis ang isang 'to, eh. 'Di nakakatuwa.

"You won't get away from me this time," maslalo niya pang nilawakan ang ngisi niya kaya naghanda na ako sa posible niyang pag atake.

"Kung nag j-joke ka lang, please, 'di nakakatuwa," atras lang ako ng atras habang siya, lapit rin ng lapit.

"Close ba tayo para mag joke ako?"

Hinampas-hampas 'yong walis sa kamay niya na para bang sinasabi niyang katapusan ko na.

"Edi wow! BYUNNN TULONG HELLLP!" Tili ko sabay takbo ng pagkabilis-bilis.

Nilingon ko siya at tangina, mukhang naka energy drink ang gago't nakakahabol na siya sa akin, kaya no'ng may makita akong walis na nakasandal sa pader, agad ko itong hinablot saka tumigil para harapin siya.

"Sige lapit at isasaksak ko 'tong walis sa ngala-ngala mo!" Pagbabanta ko pero parang ikinatuwa niya pa ito.

Tumigil siya sa unahan saka ngumiti ng nakakaloko.

Gwapo kaso baliw, sayang, pwe! Makapang bash nga mamaya fan page nila.

"Oh, feisty. Let's put that into a test then. THIEF," diniinan niya pa ang pagbigkas no'ng huli kaya uminit na talaga ulo ko.

"Magnanakaw pala, ah?"

'Di ko na napigilan ang sarili kong sugurin siya at paghahampasin ng walis kaso mukhang dati atang si matrix ang loko't naiiwasan niya lahat ng atake ko.

"You missed!" He teased. "You missed again!"

'Yon lang 'yong parati niyang sinasabi 'pag naiiwasan niya 'yong atake ko. Plano ko na sanang ilabas ang chakra ko kaso baka masira ko pa mukha niya, makulong pa ako ng wala sa oras.

Hinigpitan ko 'yong pagkakahawak ko sa walis saka ko ibinuhos lahat ng lakas ko sa isang atake.

Akala ko matatamaan ko na siya pero naisangga niya 'yong walis niya kaya nagkatapat mga mukha naming dalawa.

Sa totoo lang, gusto kong kiligin kasi ampogi-pogi talaga ng deputa pero apaka debil naman kaya, no thanks. Pumunta siyang impyerno mag-isa!

* * *

[A/N] Wattpad version and the upcoming Physical version will have a different ending, including these paid platforms: Novelah, Finonel, Novel9, and StoryOn due to infringement reasons. Hence, all names will be changed, but roles stays the same.

Makikilala niyo parin naman sila as their replacements names aren't too far from the original😉

If you wanna know—please tune in.

My Boyfriend On-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon