PROLOGUE

12K 171 3
                                    

You have been warned. Read at your own risk.

--------------------------------------------------------------------


"Sera!"

Natigil ang pagbuklat ko ng libro dahil sa malakas sigaw ni Achilles Montejo. Hingal at tagaktak pa ang pawis nito nang magmadaling lumapit sa pwesto ko.

"Achilles, what is it this time? Anong kagaguhan na naman ang nagawa mo??"    inis kong tanong. Kulang na lang ay ipukpok ko sa kanya ang librong hawak ko.

Kapag kasi ganyan ang dating niya, ibig sabihin ay may kalokohan siyang nagawa at ipapaayos niya na naman sa'kin 'yon. He either picked a fight with another group or stole someone's girlfriend.

Just last week, someone attempted to kidnap me because they believe I am Aki's girlfriend. They want vengeance on Aki for beating them up.

"Hey, I did nothing! Grabe ka sa'kin, ah?  Iba itong sasabihin ko!"     ganting sigaw niya kaya nangunot ang noo ko at hinintay siyang magsalita ulit.

Siguraduhin niya lang na hindi ako maiirita sa sasabihin niya dahil talagang bibinggo na ang isang 'yan sa'kin.

Itinaan ko ang magkabilang paa ko sa lamesa bago prenteng sumandal sa aking pulang swivel chair.

"Spill the tea."

Pinakatitigan ko siya habang siya naman ay pinapaypayan ang sarili na para bang init na init sa buhay niya.

Hinayaan ko lang siyang ikalma muna ang sarili niya bago magsalita.

"We found her."    sambit nito.

Noong una ay nangunot ang noo ko dahil hindi ko agad naintindihan ang tinutukoy niya. Pero nang muli siyang nagsalita ay talagang nanlamig ang buong katawan ko.

"Hera is alive."   mas kalmado na ang boses niya ngayon.

Parang saglit na nablangko ang utak ko dahil sa sinabi niya. Hera is alive..

Nagmamdali akong tumayo para lapitan si Aki. Bahagya pang nanginginig ang kamay ko nang kwelyuhan ko siya.

"If this is one of your sick jokes, Achilles, I swear to God, I'll beat you up. This isn't a very nice joke."    I'm trying to keep my cool, but I've already lost it.

Nakipaglabanan ng titigan sa'kin si Aki at nang mapagtanto kong seryoso nga siya sa sinasabi niya, 'don ko lamang siya binitiwan. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Although years have passed, my life experiences have taught me to be strong. Stop showing emotions. To gather my shits regardless of the situation. But right now, I'm on the verge of losing it all. 

Achilles and I trained ourselves to be heartless because we know that emotions can be a hindrance to a person like us, who have a lot of responsibility because of our family name. Emotions might lead to our destruction. And I don't want to risk the group for which my parents fought so hard while they are still alive.

"I brought her to our hospital. Don't worry, she's being treated right now."     sambit nito na siyang ikinagulat ko. Ospital?? 

Agad namang naintindihan ni Aki ang ekspresyon ng mukha ko dahilan para muli itong magsalita.

"Sera, she'd been stabbed. Puno rin ng pasa ang buong katawan n--"

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon