Chapter 45

2K 46 5
                                    

Chapter 45




Sera's Point of View





Ito ang unang araw ko sa trabaho kaya maaga akong umalis ng bahay. Zen is left with my cousins. Tulog pa siya nang umalis ako..



This past few days, laging nasa bahay si Eros. Of course, I did not approved it! Pero hindi ko naman kayang pagkaitan ng saya ang anak ko para lang sa pansariling dahilan.




Kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.




We are civil to each other. Kakausapin ko lang siya kapag nasa harap ng anak namin. Pero madalas ko siyang iwasan kapag kaming dalawa lang. He tried talking to me but I always refused it. Para saan pa ba diba? We have nothing to talk about.



Wala pang alas siyete ay nasa real estate firm na ako. Sinalubong agad ako ng mga pamilyar na empleyadong nandito.. May iilan na bagong mukha pero mas lamang parin ang mga empleyado na naiwan ko bago ako pumasok sa Chevalier.




I am still the chairman of the board and my husband, Eros, is the new CEO. Naging abala na rin kasi si Aki sa kompanya na naiwan sa kanya, kaya kinailangan niyang bitiwan ang pwesto sa kompanya ko.



Hindi lang ito ang pag-aari na meron ako ngayon kundi pati na ang mga firm na pag-aari ng Cordova. We also owned hunderds of hotel and resorts around the world. Si tito Levi ang nangangalaga sa ibang firm ng mga Cordova habang ang ibang hotel at resorts na nakapangalan samin ni Hera, si Eros ang nag-aasikaso..



Kahit papaano ay na-guilty ako sa dami ng trabaho na iniwan ko kay Eros. Kung hindi lang bumalik si Travis para tulungan siya sa kompanya nila, ay paniguradong hindi kakayanin ni Eros ang mga trabaho.



"Welcome back mam Sera!"   bati sa'kin ng mga nakakasalubong kong empleyado.



Binabati ko rin naman sila ng isang tipid na ngiti. Gaano katagal ba akong nawala ulit? Almost six years?? Pero parang wala paring pinagbago sa buong building.



"Good morning mam Sera!"     bati ng babaeng hindi pamilyar sa paningin ko.



Maiksi ang kanyang buhok at balingkinitan ang katawan. Simple lang ang ayos niya at halatang bago pa lang sa trabaho. Bahagya akong ngumiti sa kanya.




"I'm Tricia po and i'll be your new secretary.."    nakangiting sambit nito bago kinuha ang gamit na dala ko.




Sumabay siya sa paglalakad ko at nang makapasok kami sa elevator, siya narin ang pumindot ng palapag kung nasaan ang opisina ko.


"Is the CEO already here?"    I asked her. Bahagya pang nagulat dahil kinausap ko siya.



"Y-yes po mam...kadarating lang din po ni Mr. dela Vega."    she said.



Tumango naman ako. Ang aga niya naman masyado?



Sa seventeenth floor ang opisina ng chairman at ceo kaya paniguradong mauumay ako sa pagmumukha ni Eros araw-araw. Tsk!




Narating na namin ang palapag kaya bumuntong hininga ako at lumabas na. Nakasunod naman sa'kin si Tricia.



Dahil glass walls ang gamit sa bawat opisinang narito, agad kong nasulyapan si Eros na abala sa pagbabasa ng kung ano. Bumagal ang lakad ko habang nakatitig sa kanya... He's wearing a dark blue suit. Tanaw ko rin mula rito ang clean cut niyang gupit.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon