Chapter 39

1.9K 55 8
                                    

Chapter 39



Sera's Point of View




"So...ano nang desisyon mo?" tanong ni Leon sa'kin habang prenteng nakaupo sa couch.


Nakagat ko naman ang labi ko dahil nagdalawang isip nanaman ako. Sabi kasi ni Leon, nakausap niya na ang isang modelo niyang kaibigan at matutulungan daw ako nitong makapasok. Sagot ko nalang ang kailangan para makumpirma ang pagsali ko..



"I...don't know."     pag-amin ko. "Ayokong iwan si Eros...pero ayoko ring mawala nanparang bula ang pangarap ko."       dagdag ko pa.



Tumigil si Leon sa paglilipat ng palabas para seryoso akong titigan.



"Hulog na hulog ka talaga sa lalaking 'yon? Babaero 'yon, hindi ba?"       tinaasan niya ako ng kilay. Natigilan naman ako dahil sa naging tanong niya.



"H-hindi..nagbago na siya Leon."  kumbinsi ko sa kanya. Natawa naman si Leon sa sinabi ko.



"Come on, Sera. Cheater will always be a cheater."     sambit nito habang naiiling.



Hindi ko rin naman masisi si Leon na ganyan ang naiisip niya dahil nabanggit ko sa kanya ang pagkawala nung una naming baby ni Eros. Of course, he got furious! Balak niya pa ngang sugurin si Eros buti na lang at napigilan ko..


"Pag-isipan mong mabuti Sera. Kung talaga namang mahal niyo ang isa't isa, makakapaghintay kayo. Ayoko lang dumating ka sa punto na pagsisisihan mo ang naging desisyon mo."


"I know.."     bumuntong hininga ako.


Kung hahayaan kong mawala na parang bula ang pagkakataon na 'to para sa'kin, paniguradong habambuhay na akong magtatago sa likod ni Eros. Wala akong maipagmamalaki. Hindi naman ako pinalaki ng magulang ko para umasa sa ibang tao..


Subukan ko kayang kausapin si Eros tungkol dito? Satingin ko naman ay papayagan niya ako sa gusto kong mangyari...


"I'll talk to him Leon.."      sambit ko.   "Magpapaalam muna ako kay Eros."    dagdag ko pa.


Napailing si Leon dahil sa sinabi ko.


"Go ahead and call him. Kailangan ko nang malaman agad ang sagot mo Sera."      sambit nito. Bumuntong hininga naman ako at tumango.


Kinuha ko ang phone ko dinala no Eros dito at idinial ang numero niya. Ilang ring lang ay agad ring may sumagot ng tawag.


"Hello? Eros??"   


"Uh, hello? Nasa meeting pa si Eros eh. May ipapasabi ka ba? I'm his girlfriend, ako na ang magsasabi."   


Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Agad na lumipat ang tingin ko kay Leon na ngayon ay napatayo dahil narinig din ang sinabi ng babaeng nasa kabilang linya.


"Give it to me. Let me talk to that motherfucker!"    galit na sambit ni Leon at akmang aagawin ang cellphone sa'kin pero agad ko iyong iniwas.



Sinenyasan ko si Leon na ako na ang bahala, mabuti nalang at hinayaan niya ako.


"Girlfriend ka?"     pinilit kong pakalmahin ang boses ko kahit na gusto ko na siyang sigawan.


Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon