Chapter 55

1.9K 37 1
                                    

Chapter 55


This chapter is dedicated to hariathe!! I appreciate you taking the time to comment and share your insightful ideas. Thank you very much!  Lovelots!


Ps: Next chapter would be the epilogue.

-bxmillicent





Sera's Point of View



I first met Eros back when we were highschool. I mean, who wouldn't know Eros dela Vega? Mr. Popular/Heartbreaker is engraved on his name. Kahit yata ang mga taga ibang unibersidad ay talagang dinadayo ang school namin para lang masilayan si Eros!



He's not only my schoolmate, but also a neighbor. Ang bahay niya ay nasa tapat nang mismong bahay ko. That's why, no matter how hard I tried not to cross paths with him, I always ended up seeing his face almost every day!



He brings different girls, from different universities, to his house almost every day! Mayroong maputi, maiksi ang buhok, payat, mahaba ang buhok, blonde, curvy...at marami pang iba't ibang babae! Nagtataka nga ako na hindi nagkaroon ng sakit ang lalaking 'yon dahil sa papalit-palit niya ng babae, eh.



Kada uuwi ko ay sinasadya kong magpatugtog nang malakas para lang hindi ko marinig ang ingay nila habang may ginagawang milagro. Bakit ba kasi ito ang bahay na kinuha ni tito? Bakit sa tapat pa ng bahay niyang babaero na 'yan??



Araw-araw kong nakikita si Eros tuwing bago pumasok sa school. Araw-araw kaming nagkakatitigan, siya na nasa balkonahe ng kwarto niya habang nagkakape at tanging boxers lang ang suot at ako na nagmamadaling lumabas ng bahay dahil male-late na. Tuwing tinitingnan niya ako ay hindi ko maiwasang kilabutan dahil sa paraan niyang tumingin. Seryoso at malamig.


Kaya napapatanong ako sa sarili ko minsan na bakit kapag nakikita ko siya sa school, hindi naman siya ganon ka-seryoso? Kapag kasama niya ang mga babae niya, palagi siyang nakangisi at humahalakhak. Pero bakit kapag napapatingin siya sa'kin, nagiging seryoso ang mukha niya?


May mali ba sa'kin? Pangit ba ako sa mga mata niya??


Pero imposible kasi hindi naman sa pagmamayabang, pero alam kong maganda ako. Oo, alam ko! Hindi lang mga kaklase kong lalaki ang nanliligaw sa'kin sa school, ang iba ay galing rin sa ibang eskwelahan! Even Aki, my best friend, tried to court me before! Kaya bakit ganon na lamang siya makatingin sa'kin na para bang nandidiri siya kapag nakikita ako??


Dahil sa inis ko sa kanya, mas lalo ko siyang iniwasan. Ni hindi ko siya tinitingnan kapag nagkakasalubong kami. Nagpaganda ako lalo at sinubukan ko naring maglagay ng kaunting kolerete sa mukha ko. Ang mahaba kong palda ay pinaiksian ko, bumili rin ako ng bagong set ng blouse na mas maliit sa dating blouse na gamit ko kapag pumapasok sa school.


Hindi porket gwapo siya ay pwede niyang maliitin ang ganda ko. I will not be named Seraphine Raven for nothing.



Madalas akong magpa-late ng uwi dahil gusto kong masiguradong wala na si Eros at ang babae niya bago ako makarating sa bahay. Ayokong makita siya kasama ang ibang babae!


Pero parang nang-iinis pa yata ang gago dahil kung dati ay tuwing uwian lang siya nagdadala ng babae at pinapauwi niya rin agad, ngayon ay nag-upgrade na at nag-oovernight na sa bahay niya! Ilang beses ko rin siyang nahuli na nakikipag-sex sa balkonahe ng kwarto niya at kapag nakita napansing niyang nakita ko siya, ngingisihan niya ako na para bang iniinggit ako.


Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon