Chapter 29

2.4K 63 7
                                    

Chapter 29




Sera's Point of View




Natigilan ako sa pagbibihis nang marinig ang malakas na pagsabog sa kung saan.. Nasundan pa ito ng ilang putok ng baril kaya dali-dali akong nagbihis bago lumabas ng kwarto.



Kakabukas ko pa lang ng pinto ay mabilis nang hinigit ni Eros ang kamay ko. Nauna kasi siyang mag bihis kaysa sa'kin..



"Eros anong nangyayari?"     tanong ko. Sinalubong kami ni Finn na nasa labas ng kwarto. May hawak itong baril kagaya ni Eros dahilan para lalo akong mataranta..



"Napapalibutan tayo Eros."     sambit nito.



Humigpit lalo ang pagkakahawak ni Eros sa'kin..bago pa ako makapagtanong ay muli na kaming naglakad sa hallway. May mga nakapalibot sa'ming tauhan ni Eros at lahat sila ay armado.



"What the fuck is happening Eros? Nasaan sila Aki??"       kinakabahan na tanong ko. Sunod-sunod na ang putukan ng baril sa paligid.



Bahagya lang akong sinulyapan no Eros pero hindi niya singot ang tanong ko. Mabilis ang bawat hakbang niya kaya halos makaladkad ako. Wala ng mga estudyante sa paligid pero may ilang seniors ang nadadaanan namin. May mga hawak din silang baril na para bang handa na sa kung anong mangyayari..



Nagulat ako nang may nakaitim na sumulpot sa daraanan namin. Bago niya pa maiputok samin ang hawak niyang baril ay naunahan na siya ni Eros. Natamaan sa dibdib ang lalaki kaya bumagsak ito sa sahig. Muli nanaman akong hinila ni Eros kahit na hindi pa ako nakakahon sa gulat..



Kung saan saan kami naglusot hanggang sa nakarating kami sa opisina ng mga may ranggo dito sa Chevalier. Pag pasok sa loob, agad kaming sinalubong nila Calix.. Binitiwan lang ani ni Eros nang lapitan ako nila Axel, Alice at Bethany..



"What the hell is happening?"    agad kong tanong sa kanila dahil hindi naman ako sinagot ni Eros kanina..



Nagtinginan ang tatlo na para bang nagtuturuan kung sino pa ang magsasabi sa'kin. Tumikhim si Axel kaya napalingon ako sa kanya. Si Eros naman ay abala sa pakikipag-usap kila Calix.



"May mga pumasok sa loob ng Chevalier, Sera...they are after you."     Axel said. Natigilan ako.



"But don't worry! Hindi namin hahayaang makuha ka nila.."    dagdag niya pa.    "We are doing everything to get you out of this place."



"Paano ang mga estudyanteng narito sa campus? Ligtas ba sila??"



"Huwag kang mag-alala sa kanila. They're all safe. Kanina pa sila nakaalis ng campus, ang ibang seniors lang ang nandito para tumulong."      kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.



"Sino ba ang mga pumasok at nanggugulo??"    muli kong tanong.



"You'll be shock if we tell you."   Bethany said. Naningkit naman ang mata ko at hinintay siyang magsalita.



"It's Aira Villanueva! That stupid bitch! Hindi pa ba siya tapos guluhin ang buhay mo? She's fucking crazy!"     bulalas nito at nagmura pa ng malulutong.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon