Chapter 41

2.1K 50 9
                                    

Chapter 41



Sera's Point of View



Hindi ko magawang sumagot dahil sa sinabi ni Carlos. I was shocked! Ngayon ko lang narinig magsalita ng ganyan si Carlos...

Ilang saglit pa siyang seryosong nakatitig sa'kin bago siya humalakhak na parang baliw.

"I was just joking Sera!"    hinila niya ang kamay ko palapit sa kanya habang natatawa parin.   "You should have seen your face babe! It's priceless!"    sambit niya pa at muling tumawa.

Kahit na sinabi niyang biro 'yon, hindi ko parin magawang kumalma...malakas ang kutob ko na hindi isang biro ang sinabi ni Carlos..

Dahil sa pagkabigla ay hindi ko namalayang muli nanaman akong hinahalikan ni Carlos sa leeg. Sinubukan kong lumayo sa kanya pero mas naging agresibo na siya ngayon at pati ang labi ko ay pinipilit niya nang halikan.

"I said stop it Carlos!"

Sa sobrang inis na naramdaman ko dahil sa ginawa niya ay nagamit ko nanaman ang lakas na meron ako. Buong pwersa kong naitulak si Carlos dahilan para tumalsik siya palayo sa'kin. Tumama pa siya sa table na nasa harapan namin na nagsanhi ng ingay. Natigilan ang lahat at napatingin sa'min..

Agad na dinaluhan ng mga kaibigan niya si Carlos na ngayon ay nagulat din sa naging akto ko. Kinuha ko na ang bag ko at nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon. My heart is beating really fast! Pinagpapawisan din ako habang bumababa ng hagdan.


I heard him calling my name, mas lalo akong nataranta. Imbis na dumeretso palabas ng bar, sumiksik ako sa mga taong nagsasayaw sa gitna at sinilip si Carlos na nagmamadaling lumabas ng bar para hanapin ako..

Dahil narin sa medyo wild ang mga narito, hindi niya ako napansin. Nababalutan kasi ng usok ang paligid at tanging mga nakakahilong ilaw lang ang liwanag sa pakigid. Huli na nang marealize ko na mahihirapan akong makaalis dito sa gitna ng dance floor. Nagsisimula narin akong mahilo dahil kahit saan ako tumingin, may mga humaharang sakin para magsayaw.

"E-excuse me.."    pinipilit kong sumingit para makaalis sa grupo na sobrang wild na magsayaw.

Umiikot na ang paningin ko sa hindi malaman na dahilan. Nalasing ba agad ako sa ilang basong vodka na 'yon? Hindi ko alam! Tanging ang bilis nalang ng pintig ng puso ko ang naririnig ko..

Muli akong napatingin sa entrance at nakitang pumasok nanaman si Carlos at palinga-linga sa paligid. Kahit sobrang nahihilo ay pinilit ko nang makaalis doon bago pa ako tuluyang makita ni Carlos..

Para akong baliw na gewang-gewang maglakad at nang akala ko ay hindi na ako makakaalis sa gitna, may kamay na humila sa'kin at halos lahat ng humarang sa daraanan niya ay walang kahirap-hirap niya lang na tinatabig. Ilang saglit pa ay namalayan ko nalang na nakaalis na pala kami sa dance floor at naglalakad na papunta sa exit..

"L-let me go.."   sambit ko at pilit inaalis ang hawak niya sa'kin pero parang balewala ang lakas ko sa kanya.

Pinakatitigan ko ang likuran ng lalaking humihila sa'kin at nakakatawa na likod palang ay agad nang bumilis ang tibok ng puso ko...siguro dahil ang gwapo ng likod niya?? O baka dahil pamilyar ang pabango na gamit niya?

Nakalabas na kami sa bar at dahil nga nagdadalawa na ang tingin ko, ilang beses akong muntik sumubsob dahil sa panghihina ng binti ko. Hunarap ang pamilyar na lalaki sa'kin bago ako binuhat na para bang bagong kasal..

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon