Chapter 19

2.6K 70 2
                                    

Chapter 19


Sera's Point of View


Hindi naging madali para sa'kin ang mga sumunod na araw. Mabilis na kumalat sa buong campus ang hiwalayan namin ni Finn at dahil nga lagi kaming magkasama ni Eros, akala nila ay niloko ko si Finn para kay Eros.


Dumami tuloy ang may galit sa'kin sa campus. Kalimitan mga fangirls ni Eros at Finn. Hindi naman na ako pumapatol kasi alam kong hindi totoo ang sinasabi nila kaso minsan sumosobra na sila. Bigla nalang may mambabato sa'kin ng gusot na papel. Oh di kaya ay sinulatan ng kung anu-ano ang desk ko sa room. Hindi naman ako mabait para hindi pumatol kaya kadalasan ay napapaaway ako. Hindi ako basta-basta nagpapaapi kaya nagkakamali sila ng kinakalaban nila.



"How's your day?"    tanong ni Eros habang nanonood kami ng movie. Pansin niya yata na kanina pa ako tahimik.


"Ayos lang. Napaaway nanaman ako."    pag-amin ko.



Alam na ni Eros na nakipag-hiwalay na ako kay Finn at alam din niyang napapaaway ako. Minsan nga ay napaaway si Eros sa ibang grupo ng seniors dahil binastos ako. Kung anu-anong masasakit  na salita ang sinasabi nila sa'kin. Papatulan ko na sana at hahampasin ng silya pero bigla na lamang tumalsik ang lalaki palayo sa'kin. Kung hindi lang ako umawat ay baka naospital na ang lalaki dahil sa panggigigil ni Eros.



Nagulat ako dahil bigla nalang hinila ni Eros ang kamay ko palapit sa kanya. Napasubsob tuloy ang mukha ko sa dibdib niya..


"Saan ka nasaktan? Diba sabi ko sayo wag kang makipag-away at sabihin mo nalang sa'kin??"   ngumuso ako dahil sa sinabi niya.


"Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko Eros.."    sagot ko.


"Kahit na Sera. Ayokong napapaaway at nasasaktan ka.."    he said. Patuloy parin siya sa pagtingin sa braso ko kung may sugat ba o ano.

Doon lang ako nagkaron ng pagkakataon para matitigan ng sobrang lapit ang mukha ni Eros.. sobrang gwapo niya pala talaga 'no? Hindi n nakakapagtaka na ang daming babaeng nahuhumaling sa kanya.. Napasulyap ako sa labi niya at mabilis kong nakagat ang labi ko. Ano kayang pakiramdam kapag hinalikan ng isang Eros dela Vega??


Bumilis ang tibok ng puso ko at napalunok pa ako ng laway ko. Hindi ko malaman kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob pero bigla ko nalang inilapit ang mukha ko sa kanya para bigyan siya ng isang halik sa labi.

Ramdam kong natigilan siya sa ginawa ko. Gulat niya akong nilingon at doon lang nag sink in sa utak ko ang ginawa ko.. I kissed him!


Akmang lalayo na ako sa kanya pero halos mapatili ako nang bahagya niya akong itulak sa couch dahilan para mapahiga ako. Mabilis siyang pumatong sa'kin at inatake ang labi ko.. My heart is beating really fast! Sobrang nag-iinit din ang buong katawan ko!


Nang tumigil at bahagyang lumayo sa'kin, bahagya siyang napangisi at dinilaan ang ibabang bahagi ng labi niya. Nandidilat parin ang mata ko dahil sa matinding gulat..

"Oh baby.. you just woke up the demon inside me.."     bulong niyo at bago pa ako makapag-salita ay muli niya nanamang inatake ang labi ko.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon