Chapter 13

3K 76 1
                                    

Chapter 13


Sera's Point of View



Para sa mga kagaya kong babae, sobrang halaga ng kasal. Para bang isang araw na magiging perpekto yung buong araw mo. Perfect wedding dress, perfect wedding place, perfect ring, perfect music... lahat magiging perpekto sa araw ng kasal mo.

Magarbo man o simpleng kasal, everything seems to be perfect. Dahil pakakasalan mo ang taong mahal mo..

Dapat masaya ako ngayon dahil ang pangarap ko na maikasal, mangyayari na.. but...I just can't. Hindi ko magawang ngumiti habang inaayusan ng mga make-up artist na pinadala dito. They are praising my beauty. Hindi ko magawang ngumiti at tanging 'salamat' lang ang tugon ko..

Sabi ni Travis, sunset daw gaganapin ang kasal namin ni Eros. Limitado lang inanyayahan dumalo. Hindi ko na natanong kung sino ang mga 'yon at wala din naman akong pakialam. I just want this day to end. Pagod na pagod ako ngayong araw..

"Hindi ko masisisi si Eros na pinakasalan ka agad.. you are really gorgeous!" sabi ng bakla na nag-aayos sa buhok. Kanina pa siya daldal nang daldal pero wala ako sa sarili para makinig.

"It's almost time! Isuot mo na ang dress mo!" excited nitong sambit bago pinakuha ang dress na susuotin ko.

Tumayo na ako at hinawakan ang dress na inabot sa'kin bago ako pumasok sa banyo. Hindi naman ako nahirap isuot dahil tugmang tugma sa katawan ko ang sukat. It was a white silk satin dress na mayroong slit sa kanang bahagi, dahilan para lumabas ang legs ko kapag naglalakad.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos ko magbihis at panay nanaman ang puri sa'kin ng mga make-up artist. Tinitigan ko ang sarili sa malaking salamin. Kinulot ang ibabang bahagi ng mahaba kong buhok dahil iyon ang gusyto ko.. I'm wearing a light make-up, na talagang bumagay sa suot kong silk dress. Simple but elegant.

Bumuntong hininga ako habang sinusubukang pakalmahin nang sarili.. This is fine Sera.. you can file an annulment after a year.. Ayos lang 'yan...

Tumingala ako dahil nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha ko. Natuwa naman sila dahil akala nila 'tears of joy' pero hindi. Hindi naman ako masaya e. Paano ako magiging masaya kung ikakasal ako sa lalaking hindi naman ako mahal?

Ilang saglit pa ay kumatok na ang assistant ni Travis para sabihing magsisimula na sa seremonya. Umalis na ang mga nag-ayos sa'kin at todo pa ang goodluck nila. Nagpasalamat nalang ako at bahagyang ngumiti.


"Miss Raven, sesenyasan kita kapag lalabas kana diyan ha?" nakangiting sambit ng assistant ni Travis kaya tumango ako. May kung ano pa siyang kinabit sa ulunan ko at iniabot ang bouquet ng bulaklak bago siya lumabas.


Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko kahit papaano ang labas dahil isang manipis na puting tela ang nakaharang para matakpan ako.

Sobrang higpit nang pagkakahawak ko sa bouquet dahil sa kaba na nararamdaman. Tumugtog ang kantang "A thousan years" kaya para nanaman akong maiiyak na ewan! That's my favorite song! Nananadya ba talaga ang tadhana???

Sinenyasan na ako ng assistant ni Travis at dahan-dahang nahawi ang tela na tumatakip sa'kin. Sinimulan ko nang maglakad sa red carpet habang nahihirapan akong huminga. Tiningnan ko ang paligid at may iilang pamilyar na mukha akong nakita. Mga school mates.. I even saw Alice and Axel! Kumaway sila pareho sa'kin kaya kahit papaano napangiti ako.. At least I have someone I know here..

Ibinaling ko na ang tingin ko sa harap. Napigil ko ang hininga ko nang magsalubong ang tingin namin ni Eros.. He's wearing a slim fit tuxedo with black lining, black slacks black paired with leather shoes. Brush up ang ayos ng buhok niya dahilan para mas mapansin ang gwapong mukha ni Eros. He look so good! Kahit na walang emosyon ang mukha niya ay agaw-pansin kung gaano ka-gwapo ang isang Eros dela Vega..

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon