Chapter 46

1.9K 55 15
                                    

Chapter 46

Sera's Point of View



"Good morning, mam Sera!"    bati ng mga empleyado sa'kin.


Nililingon ko naman sila at nginingitian.


Maaga nanaman ang dumating sa firm ngayong araw. Tinawagan kasi ako ni Bethany kagabi at sinabing magkita kami mamaya pagkatapos ng trabaho ko.. Pumayag naman ako at sinabing uuwi nalang ako ng maaga galing sa trabaho.



Ngayon nalang ulit kasi kami magkikita kaya pumayag na ako agad.



Tumigil ako sa paglalakad nang makitang mayroong bisita si Eros sa opisina niya. Ang aga naman yata ng bwisita na 'yan??



Agad akong napaismid nang makita ang pagmumuka nanaman ng babae niya. Para nanaman naubusan ng tela ang suot nitong damit.



Ngiting-ngiti ang babae habang nagsasalita, si Eros naman ay kunot noo habang nakatingin sa mga dokumentong binabasa niya.


Bakit ba nandiyan nanaman ang babaeng 'yan? Ang aga niya naman yatang pumunta rito??

O baka naman..magkasama silang dalawa ni Eros sa iisang bahay?

Nanikip ang dibdib ko sa naisip na 'yon.

"Her name is Yna Rodd, mam Sera. Kasabay po siya ni Mr.dela Vega dumating dito mam.."    bulong ng sekretarya ko.


Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nagtuloy na sa paglalakad. Hindi pumunta si Eros sa bahay kagabi, siguro dahil hindi siya pinayagan niyang Yna na 'yan umalis?


Ay ewan ko! Bahala sila sa buhay nila!


Mabuti nalang at maraming trabaho na kailangan kong gawin ngayon kaya kahit papaano, naging okupado ang isipan ko. Hindi ako lumabas ng opisina noong lunch time at nagpadala nalang ng pagkain dito.

Kailangan kong tapusin ang lahat ng ito para maaga akong makauwi mamaya..


Natigil ako sa pagsusulat ko nang makarinig ng sigawan sa labas ng opisina. Masyadong matinis ang boses kaya rinig na rinig ko parin hanggang dito..


Tumayo ako at iniwan ang ginagawa para silipin kung anong nangyayari sa labas.


"Look what you've done! Dinumihan mo ang dress ko!"      nanggagalaiting sigaw ni Yna sa sekretarya ko.


Nagkalat ang mga pagkain sa sahig kung saan nakatayo si Yna.


"P-pasensya na po miss...lilinisin ko nalang po.."     akmang hahawakan siya ni Tricia pero isang sampal ang ginawa ni Yna sa sekretarya ko.


Humikbi na ang sekretarya ko pero patuloy parin sa pag sigaw ang bobitang Yna na 'yon.


Mabilis akong naglakad palapit sa kanila at bago pa muling masampal ni Yna si Tricia, nahawakan ko na ang kamay nito. Natigilan siya at gulat na napatingin sa'kin.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon