Chapter 53

2K 37 3
                                    

Happy 1k followers to us, gals!! Hindi lang 'yon, #14 in Romance, #7 in Action, and #21 in Fantasy pa!


I am beyond grateful for obtaining this achievement. Thank you to everyone who 
continues to believe in me and my stories!  You guys are the best!


So, here's Chapter 53 for everyone. I hope you enjoy it, and if you don't mind, please vote and leave your suggestions in the comments! xoxo




Chapter 53



Sera's Point of View



"Fuck!"      mura ni Carlos nang may magpaputok sa likuran namin.

Unti-unti nang nauubos ang mga bodyguards na kasama namin ni Carlos dahil ang iba ay nagpapaiwan para makipaglaban sa mga nakasunod sa'min. Ang iba ay patay na dahil natatamaan ng ligaw na bala.



"Give me a damn gun! I can fight!"     sigaw ko kay Carlos matapos naming magtago sa likod ng isang malaking paso.



Walang tigil ang putukan sa labas at hindi ko malaman kung gaano ba karami ang kalabang dumating dahil parang walang katapusan ang gulo 'ron!



Buong akala ko ay tatlong kamukha na lang ni Hera ang makakalaban namin pero mukhang hindi. Mayroon pa palang mga galamay na nakatakas sina Alejandro at Aira na ngayon ay sinugod na kami rito!



Magsasalita pa sana ako pero agad akong tumalsik palayo kay Carlos nang mayroong sumabog malapit sa'min. Ramdam na ramdam ko ang sakit matapos tumilapon at tumama sa mga batong bumagsak dahil sa pag sabog. Shit! Tuluyan na ba talagang nawala ang epekto ng project x sa katawan ko??


"S-sera!"    rinig kong sigaw ni Carlos sa 'di kalayuan. Sinubukan kong tumayo para hanapin siya ngunit napapalibutan pa ng alikabok ang paligid.



"Sera! Where are you?!"    sigaw pa nito.



Hirap na hirap kong inalis ang batong umipat sa paa ko.




"C-carlos!"   nahihirapang sigaw ko.  "I'm here!"     akmang tatayo na ako pero muli akong natumba dahil nagkaroon pala ako ng malaking sugat sa binti. Kitang-kita ko kung paano tumulo ang napakaraming dugo mula ron dahilan para sunod-sunod akong mapamura.



"Sera!"    nagmamadaling lumapit sa'kin si Carlos at mahigpit akong niyakap. Nang humiwalay siya ay agad niyang sinuri ang lagay ko.



"Ayos ka lang ba??"     nag-aalalang tanong nito na para bang walang pakialam kung nagdudugo ang ulo niya. 



"I'm fine. Nasugatan lang sa binti.."     agad niyang sinulyapan 'yon at malutong na napamura. Binitiwan niya ang baril na hawak at pinunit ang laylayan ng suot niyang damit.




"Hindi ko alam na marami pa palang natitirang tauhan ni Alejandro. Damn it! Kung sana ay mas naging mautak ako!"   sambit nito habang ibinabalot sa binti kong may sugat 'yong telang pinunit niya sa damit niya.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon