Chapter 25

2.8K 59 0
                                    

Chapter 25



Present Day





Sera's Point of View





"Thanks God you're awake!"  


Walang emosyong nanatili ang titig ko kay Alice. Katabi niya si Bethany na ngayon ay naluluha habang nakatingin sa'kin..


"Kamusta ang pakiramdam mo Sera? May masakit ba sa'yo??"    muling tanong nito pero nanatili akong tahimik.


Inilipat ko ang tingin ko sa pintuan na nagbukas. Pumasok sina Claude, Thunder, Calix at Finn. Lahat sila ay natigilan sa pag-uusap nang makitang gising na ako.


Dali-daling lumapit si Finn sa'kin para haplusin ang pisngi ko. Saglit ko lang siyang nilingon pero ibinalik ko ang tingin kay Calix na bahagyang nakangiti sa'kin..


Naaalala ko na ang lahat...lahat.



"Can I talk to you?"     tanong ko kay Calix. Napatingin naman ang lahat sa kanya.



"Just the two of us."    dagdag ko pa. Mabilis niya namang nakuha ang sinabi ko kaya nilingon niya ang mga nandito..



"Ako na muna ang bahala sa kanya.."    Calix said.



Bahagya pa silang nagtagal sa loob na para bang nagtataka pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon. Ilang saglit pa ay tahimik na silang lumabas ng kwarto.



Halatang ayaw ni Finn umalis sa loob pero wala na siyang nagawa nang si Calix na mismo ang bahagyang mag tulak sa kanya palabas.



Dahan-dahan akong umupo habang inilalock ni Calix ang pinto. Pag harap niya sa'kin ay malawak na ang ngiti nito habang nakapamulsa.



"Welcome back, Sera."     he said happily.    "Akala ko ay matatagalan pa bago ka muling makaalala." 



Umupo siya sa couch na nasa harap ng hinihigaan ko. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang clinic ng university.



"Ilang taon ang lumipas?"    I asked him immediately. Tumingala siya at humawak sa baba niya na para bang nag-iisip.



"Hmm..it's almost 2 years."   sambit nito at nilingon ako.  "Just like the plan."   dagdag niya pa.



Tumango ako at inilibot ang tingin sa sarili. Bumaba ako sa kama para mag inat dahil pakiramdam ko, sobrang tagal kong nakatulog!



"Siguro naman ay nakapag-pahinga kana sa dalawang taon?"    bahagya ko siyang sinulyapan habang nag-iinat ako.



"Of course, Calix! Thank you for your help by the way.."    gusto ko mang ngumiti pero parang sarili ko na mismo ang pumipigil.



"No worries! Mabuti nalang at nakahanap ako ng tiyempo kanina para maturukan ka. I awakened the 'project x' inside your body, kaya dalawang oras lang ay nakaalala kana agad."    pag kuwento niya. Muli akong tumango at dumungaw sa bintana nitong silid.



Mula rito sa kinatatayuan ko, tanaw ko kung gaano kalawak ang field ng Chevalier University. Ang mga estudyanteng may kani-kanyang mundo. Nagtatawanan..nag-uusap.. at may ilan pang mag kasintahan na naghahalikan.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon