Chapter 52

1.9K 46 16
                                    

Henlo, people!

Sorry for the suuuuper late update! Sobrang naging busy lang sa acads. Anyways, I consider myself extremely fortunate to have you guys, who are patiently waiting for my update. 
You guys are the best! Sana po suportahan niyo ito hanggang huli.

We'll say our final farewell to Eros and
Sera 8n a few more chapters. I'm hoping 
you'll stick with us until the end and 
support my other stories as well. Thank you, people! Para po sa inyo ito! xoxo

-bxmillicent




Sera's Point of View




Nagbukas ang pintuan nitong kwarto ni Carlos. Ang kwarto kung saan tatlong araw niya na akong ikinukulong.



Nanatili lamang ang tingin ko sa saradong bintana nitong kwarto. Sa tatlong araw na 'yon ay wala akong ibang ginawa kundi ang subukang tumakas dito pero sa huli, palagi akong nahuhuli ni Carlos. Madalas niya rin akong pagbuhatan ng kamay dahil sa pagbabalak kong tumakas.




Noong unang subok ko ay sinampal niya ako, ganoon din ang ginawa niya 'nong ikalawang beses. Sa pangatlong beses naman ay sinakal niya ako hanggang sa mawalan ako ng malay. Sa pang apat na beses ay muntik niya na akong gahasain, mabuti na lang at mayroong tumawag sa telepono niya at nagmamadali akong iniwan.




Sa mga pananakit niyang 'yon ay hindi ako kailanman nagpakita ng kahit anong emosyon sa mukha ko. Hindi ako umiyak. I will never shed a single tear for him! Mamamatay muna ako bago niya ako makitaan ng kahinaan.




"Miss Sera, heto na po ang pagkain niyo..."   boses iyon ni Nika, ang isa sa nag-aasikaso sa'kin dito kapag wala si Carlos.


"Wala akong gana."     I said without even looking at her. Nag iisip ako ng iba pang plano para makaalis sa purgatoryo na 'to!



Kailangan kong makaalis dito para sa mag ama ko...paniguradong alalang-alala na ang mga 'yon.


"Kagabi pa po kayo hindi kumakain Miss Sera...baka mapano na po kayo..."     I can feel the sincerity in her words. Umismid ako.



Nag aalala kayo na baka mapano ako? Bakit hindi niyo ako tulungang makatakas dito? Bakit hindi kayo magsumbong sa mga pulis? Bakit hindi kayo gumawa ng paraan??



Ang dami kong gustong sabihin pero nanatiling tikom ang bibig ko. Ilang minuto pa noya akong kinumbinsi kumain bago siya lumabas ng kwarto na walang natanggap na kahit anong sagot mula sa'kin.


Nang marinig ko ang pagsara ng pinto at muling pag lock ni Nika sa pintuan, napabuntong hininga na ako. Sinulyapan ko ang pagkaing inihanda sa'kin pero hindi man lang ako nakaramdam ng gutom. Mula sa salamin ay kitang-kita ko kung gaano kalaki ang pinagbago ng itsura ko magmula nang ikulong ako ni Carlos dito. Naliligo naman ako at nagpapalit ng dami na ibinibigay ni Nika pero hindi maitatago ng ligo ang pangangayayat ng katawan ko.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon