Chapter 31

2.4K 55 7
                                    

Chapter 31


Sera's Point of View




"Where's Travis?"    tanong ko dahil kahapon ko pa napapansin na wala si Travis..


Akala ko may inasikaso lang siya pero hanggang ngayon, wala parin siya. Hindi kaya may nangyari na sa lalaking 'yon?? Wala din siya nang magkagulo sa Chevalier noong isang araw eh..


"He's busy looking for his girlfriend."     sagot ni Eros nang hindi man lang ako nililingon dahil busy siya sa pag-aayos ng vest na isusuot ko..


"May girlfriend pala si Travis?"   tanong pa ni Aki na abala sa paglilinis ng baril niya.


Ayos kasi sa nakalap na impormasyon ni Calix, dumating na sa bansa si Alejandro nang malaman niya na nawawala ang anak niyang si Alice..hindi ko pa nasasabi kay Aki ang tungkol 'don dahil gusto kong siya mismo ang makaalam...Sigurado rin akong bumalik si Alejandro rito para muling pagtangkaan ang buhay ko.


Kaya mas mabuti nang unahan ko na ang mga plano niya.


"Oo bakit inggit ka?"     Eros said, bluntly.


Sabay na umawang ang bibig namin ni Aki dahil sa naging sagot ni Eros. Nakataas pa ang isang kilay kay Aki.


"Woah! Atitod ka boi?"    natatawang tanong ni Aki kay Eros.


"Ha?"   


"Tinatanong ko kung attitude--"



"Hayup ka."       muling pambabara ni Eros kay Aki.


Hindi ko na napigilang humalakhak dahil sa kagaguhan ni Eros. Idagdag pa ang pikon na mukha ni Aki!


Nang bumaling si Eros sa'kin ay matamis na itong nakangiti bago hinalikan ang likod ng palad ko. Hindi ko parin mapigilan ang tawa ko dahil parang may lalabas na usok na sa ilong si Aki sa sobrang inis!


What the fuck Eros?! Hahahaha!



"Bwisit ka!"     sigaw ni Aki sa kanya. Muli siyang nilingon ni Eros.



"Ano?"    Eros asked.


"Sabi ko, bwisit ka--"


"Anino."  


Pffft! HAHAHAHAHAA! Kulang nalang ay hampasin ko si Eros dahil sa kakatawa! Hindi narin napigilan nila Bethany ang tawa nila dahil sa pambabara ni Eros kay Aki..


"HMP!"     tanging sambit ni Aki at nag walk out na. Kinagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa.


Jusko! Anong sumanib kay Eros at ganito ang attitude niya??



"Saan mo natutunan 'yan Eros??"   natatawang tanong ni Claude sa kanya.


Nagkibit-balikat naman ang loko.  "Kay Travis."   sagot nito.


Hindi na ako nagtaka. Isa't kalahating siraulo din kasi ang isang 'yon!


Exaggerated na bumuntong-hininga si Eros kaya nabalik ang atensyon ko sa kanya. Namumungay ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin..


"Promise me Sera..you'll be safe...ayokong makita nanaman kita na naliligo sa sarili mong dugo.."  bakas sa boses niya ang pag-aalala.


Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon