Chapter 7

3.3K 74 4
                                    

Chapter 7


"We should start training as well. I want to be strong like Hera."
  Axel sipped his on the rocks drink. Bahagya nang namumula ang pisngi nito habang namumungay ang nga mata.

Umakbay si Alice kay Acel at nakipag-cheers ito. Parehong may tama na ang dalawa habang kami ni Aki ay pinapanood lang sila.

"I completely agree with you, Axel! Training..let's do that!"   itinaas ni Alice ang baso bago malakas na hinampas ang table.   "Please, another round of on the rocks!"   malakas na sambit nito sa bartender. Natawa naman ang bartender dahil sa ingay ni Alice.

"Maybe we should stop them from drinking? I'd like to remind you that this is our fourth bar. Sera, I have no intention of becoming a babysitter."    reklamo ni Aki bago inisang inom ang kanyan vodka shot.

Ito na nga ang pang apat naming bar na pinuntahan at sa tatlong bar na nauna, iba't ibang klase na ng alak ang nainom namin, lalo na nina Axel at Alice.

Mukhang seryoso ang dalawang sa paglalasing!

"Let them have a good time tonight, Aki. They suffered far too much in that cursed school. Maybe getting drunk is their only way out."   sambit ko bago hinila paupo si Alice na nagsisimula nang sumayaw habang hinihintay ang order niyang alak.

Nalipat ang tugtog sa may buhay na kanta dahilan para mapatili si Alice dahil sa tuwa.

"Oh my goodness! This is my song! Let's go dancing!"   pasigaw na yaya nito sa'min dahil sa sobrang lakas ng beat ng music.

"Sama ako!"  hyper na sambit ni Axel at tumayo narin.

Mapupungay ang mata ni Alice nang lingunin ako at bago niya pa mahawakan ang braso ko ay agad akong nakailag.

"Oh, no. I'm not really good at dancing.."   sinulyapan ko si Aki na muli sanang iinom ng shot niya. Napasulyap ito sa'kin habang kunot ang noo.  "However, Aki did so.."

Itinulak ko si Aki palapit sa kanya.

"Great! Let's go, Aki! Lampasuhin natin sila sa dancefloor!"    sigaw ni Alice bago sapilitang hinila si Aki papunta sa dancefloor.

"What the heck? I don't want to dance! I can't dance, Sera!"   sigaw nito at akmang kakawala sa hawak ni Alice dahilan para agad na tumulong si Axel at tuluyan nga nilang nabitbit si Aki palayo sa table namin.

Ngising-ngisi ako habang tinatanaw ito na sapilitang hilahin nang dalawa papunta sa gitna.

Pinagmasdan ko ang tatlo na ngayon ay nasa dancefloor na. Si Alice at Axel na halos kalabanin ang lahat ng mga sumasayaw habang si Aki na pinipilit makatakas sa dalawa. Bawat subok niyang tumakas ay agad siyang nahihila ni Alice o kaya ni Axel kaya sa huli, wala na siyang nagawa kundi sabayan ang dalawa sa mga trip nito.

Pigil ko ang pagtawa ko habang pinapanood ang isang Achilles Montejo na mag breakdance at scorpion dance sa gitna ng dancefloor! Binigyan pa siya ng espasyo ng mga kasama nilang sumayaw sa gitna para lang i-cheer siya ay videohan! Ang ibang babae malapit sa kanya ay kilig na kilig pa at nagtutulakan para lapitan siya.

Oh, Aki. You're such a good liar. You can't dance, but your moves are similar to those popular kpop idols! Goodness!

Inubos ko ang tequila shot ko bago tumayo para pumunta sa banyo. Dahil sa ingay, usok galing vape at sigarilyo, pati na sa dilim ng paligid ay bahagya nang nagdodoble ang tingin ko. Hindi naman sobra dahil kaya ko paring maglakad ng maayos papunta sa banyo.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon