Chapter 24

2.5K 67 3
                                    

Chapter 24





Sera's Point of View




Ilang araw akong nagigising na walang ibang nakikita kundi puro makina na nakadugtong sa katawan ko. Hindi ako makaramdam ng gutom kundi pagod ang tanging nararamdaman ng katawan ko. Minsan ay magigising ako sa isang silid at pipilitin nila akong makipaglaban sa mga taong hindi ko kilala. Of course, sinusubukan kong lumaban pero sa huli, palagi akong nabubugbog.



Ilang beses akong nagmakaawa sa mga nakakalaban ko na tumigil na, pero parang wala silang naririnig at patuloy sila sa pag sipa, suntok at pag hagis sa'kin kung saan-saan. Lahat sila nasisiyahan kapag nakikita akong duguan sa sahig at hindi na makagalaw..



Pagkatapos non ay muli nila akong ibabalik sa kulungan ko. At may mga kung anu-ano nanaman silang ilalagay sa katawan ko.. Palaging naroon si tito Alejandro at pinapanood lahat ng paghihirap ko. Minsan ay naririnig kong mayroon siyang katawagan sa telepono na para bang ako ang pinag-uusapan. Dahil nga sa panghihina ay hindi ko magawang marinig ang pag-uusap nila..



Sa bawat paghihirap na ipinapadama nila sa'kin ay mas lalong tumatatak sa utak ko ang mga mukha nila. Ang mga mukha ng mga nagpapahirap sa'kin.. mga doctor na walang awang nagpapasok ng kung anu-anong experimento nila sa katawan ko.. mga taong bumubugbog sa'kin...lahat sila! Lahat sila ay tinandaan ko ang mukha. Dahil sinisigurado ko na kapag nakatakas ako dito...ako naman ang magpapahirap sa kanilang lahat..




Lalo na kay tito Alejandro.




Natigilan ako sa pag-iisip ko nang makarinig ng mga putok ng baril sa labas nitong kwarto na kinatitigilan ko. Pati na ang mga doctor na narito ay napatigil sa ginagawa nila dahil sa narinig..




Ilang saglit na tumahimik ang paligid pero maya-maya pa ay pabalang na bumukas ang pinto ng silid.. May mga armadong tao ang pumasok kaya nagkagulo ang mga doctor na nakapalibot sa'kin.



"Anong kailangan niyo?!"     sigaw nung lalaking doctor na siyang laging nagdadala ng mga likido na inilalagay sa katawan ko.



Hindi sumagot ang halos nasa sampung naka-maskarang lalaki. Nanghihina akong lumingon sa pintuan dahil sa narinig kong tunog ng sapatos na papasok sa loob.



Ang luha na matagal ko nang pinipihilang lumabas ay tuluyan na ngang kumawala. Para bang sa tagal kong narito, ngayon nalang ako nakaramdam ng tuwa dahil sa pag pasok ni Calix dito sa loob. Tumama ang tingin niya sa'kin at kitang-kita ko kung paano mag siklab ang galit sa mata niya nang makita ang kalagayan ko..



"Kill them. All of them!"    sigaw ni Calix.



Hindi na nagawang makapagprotesta ng mga nakapalibot na doctor sa'kin nang pagbabarilin sila ng tauhan ni Calix. Wala silang itinira na kahit isang buhay sa mga taong nagpahirap sa'kin..



Mabilis na lumapit sa'kin si Calix. Inutusan niya ang mga tauhan niya na sirain ang lahat ng makina na nakadugtong sa'kin. Sinunod naman siya agad ng mga ito.. Mayroon siyang pinindot kung saan dahilan para bumaba ang salamin na nakaharang sa kinahihigaan ko. Natanggal din ang mga nakatali sa'kin at dahil sa panghihina ay hindi ko na nagawang balansehin ang sarili ko. Naging maagap naman si Calix at nasalo agad ako bago pa ako mahulog sa sahig.



"I'm sorry, Sera.. nahuli ako ng dating.."    malungkot na bulong nito. Mabilis naman akong umiling at pagod na ngumiti.



"S-salamat.. akala ko mamamatay na ako dito.."   



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon