Chapter 2

5K 120 1
                                    

Chapter 2

Inayos ko ang suot kong skirt bago tumayo para lumabas ng room. Tapos na ang klase namin at balak kong libutin ang bawat sulok nitong university.

Tatlo na lang sa mga kaklase ko ang narito sa loob ng room. Nag-uunahan ang lahat palabas kanina kaya hinayaan ko sila at saglit pang nanatili dito sa room kasama ang tatlong kaklase ko.
Kanina pa sila palingon-lingon sa gawi ko na para bang may gustong sabihin, pero tuwing lilingunin ko sila ay agad silang umiiwas ng tingin na para bang natatakot. Isinantabi ko 'yon at naglakad na papunta sa pintuan.

Pagkapihit ko ng doorknob ay mayroong pulang likido na bumuhos sa buong katawan ko. Fuck. Malakas na tawanan ang bumulabog sa paligid ko. Ang mga kaklase ko at iba pang estudyante ay pinapanood at pinagtatawanan na ako.

Ang nagmumura kong prada na bag ay punong-puno na ng likidong pula ngayon. Malutong na naman akong napamura.

"Serves you right, nerd!"

"Freak!"

"Bitch!"

Naiyukom ko nang maigi ang kamao ko dahil sa mga isinisigaw nila sa'kin. Hindi nakatakas sa paningin ko si Eunice at Hunnie na nginingisihan ako ngayon.

"Surprise, Hera!"   natatawang sambit ni Hunnie.

"It was entirely my idea! Isn't it amazing?"    tanong sa'kin ni Eunice bago sila muling tumawa. Damn these bitches!

Bagong bili lang ang heels ko!

Tumungo ako dahil sa matinding panggigigil na nararamdaman. Ang kulay puti kong uniporme ay naging pula na dahil sa likidong bumuhos sa'kin. Pinunasan ko ang mukha ko at talagang mas kumulo ang dugo ko dahil hindi lang basta likido ang itinapon sa'kin!

"Oh, I forgot to mention that it's a blood! Blood of an animal."     Eunice proudly said.

I clenched my jaw. Kung saan nila nakuha ang dugong 'to ay hindi ko alam. At wala na akong balak alamin.

"Tutal isa ka namang hayop na naligaw dito sa university!"    dagdag niya pa dahilan para mag tawanan nang mas malakas ang lahat.

Pinagbigyan ko muna silang tumawa ng ilang minuto. Nang masigurado kong naubos na nila ang mga tawa nila, doon lang ako pumalakpak. Natigilan ang lahat nang humakbang ako palapit sa kanila habang patuloy sa pagpalakpak nang mabagal. Ang ilan ay napaatras at ang ilan naman ay nangunot ang noo dahil sa naging akto ko.

Ibinagsak ko ang bag ko kung saan.

"Iyan lang ba ang kaya niyo?"   I asked them. Baka kasi meron pa silang ibang hinanda na mas nakaka-thrill, eh.

Walang sumagot sa kanila. Ibinaling ko ang tingin kay Eunice at Hunnie.

"Didn't I promise to give you hell if you get in my way?"   tanong ko kay Eunice.

"Who cares about what you say, nerd? Do you want us to go and follow you just because you returned? Wake up, Hera!"     sigaw ni Hunnie.

"Do you honestly believe that we'll listen to whatever you say?"   tanong ni Eunice at nginisihan pa ako.  "I'd like to 
remind you that you're nothing in 
comparison to me. Just because you have branded things does not imply that you are now a part of us. Weakling!"  

I smirked at her. Natigilan naman siya dahil sa naging tanging reaksyon ko. My! I'm deeply offended. Who gave this bitch an idea that I want to be part of them? To be a part of a group whose main hobby is to cause harm to others, that's the very least I'll do.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon