Chapter 32

2.4K 57 0
                                    

Chapter 32


Sera's Point of View





"Nasaan ako?! Ano ba?!"    sigaw ko at pinipilit makawala sa hawak nila.

Itinulak nila ako paupo sa isang puting upuan na mayroong mga nakakonektadong kung anong gamit. Nilagyan nila ng tali ang parehong kamay at paa ko kaya nagsisisigaw ako sa inis.

Lumabas ang ilang lalaki na kumuha at tanging iyong kasing edaran ko lang na lalaki ang naiwan. Nakatayo lang siya sa gilid ko na para bang may hinihintay na kung ano.


Pinagmasdan ko ang buong paligid..pamilyar na ang ganitong klasrng silid sa'kin dahil sa ganitong silid din ako ikinulong ni Alejandro dati. Marami paring mga makina at mga kung anu-anong gamit ang narito sa loob. There's also a one-way mirror and two small speakers at the corner.



Ilang saglit pa ay narinig kong bumukas na ang speaker na nasa loob ng silid.


"It's been a long time, Sera."    boses ni Alejandro ang lumabas sa speaker.


Hindi narin naman ako nagulat na si Alejandro ang magsalita sa speaker. Hindi ko siya sinagot at pinilit nalang kumawala sa mga nakatali sa'kin. I'm getting tired of this!



"Dalawang taon din akong naghintay sa pagkakataon na ito...nagulat ka ba?"    muling tanong niya. Hindi parin ako sumagot.



"Kung hindi mo natatandaan ang lahat, ipapaalala ko nalang sa'yo.."
sambit nito.



Gumalaw ang lalaking nasa gilid ko at may kung anong inilagay sa sintido ko. Sinubukan kong iiwas ang mukha ko at talagang nandilat ang mata ko nang sampalin niya ako bigla. Ang lakas ng lalaking 'to ay hindi rin normal. Pero kumpara sa lakas na meron ako, wala pa siya sa kalahati.


Nalasahan ko ang dugo ko sa gilid ng labi ko. I glared at him.



"You had the nerve to slap me?"  nginisihan ko siya.


Hindi niya ako pinansin at may kung anong pinindot siya sa kinauupuan ako. Napasigaw ako dahil sa kuryenteng dumaloy sa utak ko. I'm screaming the hell out until my screams turn into laughter. Malakas ang ginawa kong pag tawa dahilan para matigilan ang lalaking nasa tabi ko. Tumigil din sa pagsasalita si Alejandro at sigurado akong nagtataka na 'yon sa pagtawa ko..



Tumigil lang ako nang maluha-luha na ako sa pagtawa. Pupunasan ko sana ang luha sa mata ko pero naalala ko na nakatali pa pala ang mga kamay ko kaya sa isang hila lang nagawa kong sirain ang bakal na nakalagay sa kamay ko at paa ko.



Pinunasan ko ang luha na galing sa sobrang tawa atsaka ako tumayo..naramdaman ko naman agad na may baril na nakatutok sa ulo ko kaya hindi ko maiwasang mapangisi.



"I wonder... how would I feel about killing someone?"     bulong ko sa kanya.



Sa isang kisap-mata, nabali ko ang braso niya na may hawak sa baril. Walang kahirap-hirap ko sinipa ang tuhod niya dahilan para mapaluhod siya at bago niya pa ako mahawakan, buong pwersa ko siyang sinuntok at inuntog ang ulo niya sahig. Kumalat ang dugo sa sahig dahil sa ulo niya na tumama sa sahig. Pinagmasdan ko ang dugo niya na nasa kamay ko..




"..now I know. It's no big deal." sambit ko at ipinahid ang kamay sa laylayan ng damit.



Humarap ako sa salamin na narito. Alam kong nakatingin ngayon si Alejandro kaya nakangisi akong kumaway sa kanya.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon