Chapter 44

1.8K 42 3
                                    

Chapter 44


Sera's Point of View



Nakaramdam ako ng kakaibang sakit dahil sa sinabi ni Eros. He's getting tired...susuko na ba siya sa'kin??


Hindi ba't 'yon naman ang gusto kong mangyari? Pero bakit....ang sakit??



Titig na titig si Eros sa'kin na para bang hinihintay ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at bumuntong hininga.



"I don't...care. Hindi ko naman sinabing habulin mo ako."    sagot ko. Taliwas sa nararamdaman ko..



Ramdam ko parin ang diin ng titig niya sa'kin pero hindi ko na siya nilingon pa. Tinawag ko ang anak kong nagtatampisaw na sa tubig at iniwan si Eros.


"Zen let's go home...hinahanap ka na nila tito Leon at tito Humphrey mo."   sambit ko. Tumigil naman siya at patakbong lumapit sa'kin.



Basang-basa na ang damit ni Zen pati na ang mahaba nitong buhok. Inilagay ko sa likod ng tainga niya ang buhok niya bago ko pinunasan ang basa ng mukha niya..



"Mimi can't we stay here for a while? Tito Leon and tito Humphrey can wait naman po.."   nag-pout pa siya kaya natawa ako.


Bahagya akong yumuko para magtapat kaming dalawa.


"Pwede pa naman tayong bumalik dito bukas..."      sambit ko. Ang simangot niyang mukha ay unti-unting nagliwanag.


"Really mimi? Talagang talaga??"   excited niyang tanong kaya tumango ako.


"Yahooo!"      napasuntok pa siya sa hangin.     "But mommy.."     muli siyang tumigil na may pagtataka sa mukha.



"Who is he?"      tanong nito habang nakatingin sa likuran ko.


Kahit naman nakatalikod ako, alam kong si Eros ang tinutukoy niya. Namawis tuloy ako bigla dahil sa naging tanong ni Zen sa'kin..


"Is he my uncle too?"      kunot noo na sambit ni Zen.



Bahagya kong sinulyapan si Eros na ngayon ay nasa likuran ko na. Ang mga titig niya ay na kay Zen at kitang-kita ko ang pagkinang ng tubig sa mata nito...



Kagat labi kong ibinalik ang tingin kay Zen. I don't know what to fucking do! Ayokong sabihin kay Zen pero paniguradong magpupumilit si Eros!

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon