Chapter 28

2.5K 64 3
                                    

Chapter 28




Sera's Point of View






"Aki paano si Hera? Nasaan siya??"  bahagyang ginulo ni Aki ang buhok ko.



"She's fine Sera. Itinago ko siya malayo rito. Kasama niya ang mga tauhan ko kaya huwag kang mag-alala.."      he said.


Para naman akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib dahil sa sinabi niya. Kami nila Aki, Bethany, Axel at Alice ang naiwan dito sa kwarto ko habang sila Eros ay inaayos ang pagpapauwi pansamantala sa mga estudyante ng Chevalier. Nakapagdesisyon na kasi siya na bago pa may mga inosensteng buhay ang madamay, mas mabuti pang buksan na muna ang eskwelahan at hayaang mag bakasyon ang mga estudyante.



Kung ako ang tatanungin, tama nga ang desisyon na ginawa ni Eros. Kung ako ang gustong makuha ng kung sino mang nasa likod ng pamamaril dito, dapat ako nalang at wala nang ibang taong madadamay.


Nasabi din nila sa'kin na paniguradong ang pagkamatay ni Hunnie at Eunice ay hindi isang suicide. Kundi sadyang pinatay talaga sila sa hindi malaman na dahilan..



Binalingan ko si Aki na may kung anong tinitingnan sa hawak niyang ipad. Seryoso ang mukha nito na para bang napaka-importante ng ginagawa niya.. Nagtagal ang titig ko sa kanya dahilan para mapalingon siya sa'kin..


"Gusto mo mag laro?"     alok nito at inabot sa'kin ang ipad niya. Doon ko lang nakitang naglalaro pala ng siraulo!




Bumuntong hininga ako at muling nagsalita.


"Aki i'm sorry.."   panimula ko dahilan para muling sumulyap sa'kin si Aki.



Kunot ang noo niya at itinigil ang paglalaro nang makita ang ekspresyon ng mukha ko.




"A-about tito Alejandro...hindi ko alam---"



"Shhh.."     pigil nito at bahagyang ngumiti.



"Wala kang kasalanan Sera.. its all his fault. Masyado na siyang nilamon ng galit niya."    sambit niya at ibinaba ang ipad sa table na nasa harap namin.



Umayos siya ng upo, sumandal habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa likod ng batok niya.

"Akala ko nagbago na talaga siya. Pero hindi pala...mas lumala lang."  he said.

"Alam mo?"   tukoy ko sa nangyari sa mga magulang namin.


Saglit niya akong sinulyapan at ngumisi pa.



"Of course! Alam kong si tita Suzette ang totoong mahal ni dad. At kaya niya lang pinakasalan si mom dahil nabuntis niya 'to..at ako ang naging bunga."

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon