Chapter 27

2.6K 64 2
                                    

Chapter 27

Sera's Point of View


"She committed suicide."    narinig kong sambit ni Travis habang kausap ang ibang board members.



Panay naman ang sulyap sa'kin ni Eros habang nag-uusap silang lahat. Hindi ko nga alam bakit sinama niya pa ako dito kahit pwede naman akong manatili sa kwarto ko..



Bumuntong-hininga nalang ako at pinagmasdan sila habang seryosong nag-uusap dito sa loob. Ilang saglit pa ay pabalang na bumukas ang pintuan nitong silid at ang galit na galit na mukha ni Zedrick ang tumambad sa'kin. Nasa likod niya si Skyler na pilit siyang pinipigilan pero masyadong galit si Zedrick para mag papigil.



"What the hell are you doing here??"    rinig kong tanong ni Travis bago siya lumingon kay Eros.


Imbis na pansinin si Travis, nagpalinga-linga sa buong silid si Zedrick at nang tumigil ang mata niya sa'kin, mas tumindi ang galit na nakita ko sa mata niya.



"You!"    sigaw nito.    "You killed her! You killed Eunice!"    halos umusok ang ilong nito sa galit.




Hindi siya napigilan ni Skyler nang magmadali siyang lumapit sa'kin. Inihanda ko na ang sarili ko sa pag lapit niya.



"You're a fucking killer Raven! Damn you!"    sigaw nito at akmang hahablutin ako.


Ssisipain ko na sana ang swivel chair na nasa harap ko papunta sa kanya pero mabilis na tumalsik si Zedrick palayo sa'kin. Bumagsak ang katawan nito sa mga swivel chair na nandito at ang iba ay nasira pa. Nanlaki ang mata ko at sinulyapan ang likod ni Eros na ngayon ay hinaharangan ako..



"I swear to God, i'm gonna kill you if you touch her."     Eros said. Tumayo na ako at bahagyang lumapit kay Eros..




Agad namang tinulungan makatayo ni Skyler si Zedrick. Si Travis naman ay nanonood lang na para bang alam niyang kaya na ni Eros ang dalawang nasa harap.. Ang mga board members naman ay mga gulat dahil sa nangyari.




"Stupid Eros!"     bulalas ni Zedrick at tumawa na para bang nababaliw na.


"Ipinagtatanggol mo ang babaeng 'yan? Balita ko pinatay ng kapatid niya ang magulang niyo ni Travis ah??"      maangas na tumayo si Zedrick at pinagpagan ang sarili niya.



"Stop Zedrick!"     awat si Skyler sa kanya pero hindi siya nakinig.




"That bitch fooled you! Pinaikot ka niya para makaganti sa nangyari sa kapatid niya! Siya ang pumatay kay Hunnie at Eunice!"      Zedrick shouted, angrily.



Kung pwede lang may lalabas na usok sa ilong niya, ay baka baka para na itong tambutso sa sobrang gigil niya. Nakita ko naman kung paano mag bulungan ang mga board. Nalipat ang tingin ko sa dalawang kaibigan 'daw' ng mga magulang ko.. Sa paraan pa lang ng pagtingin nila ay para bang may plano na itong naiisip. Nag-iwas ako ng tingin.




Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon