Chapter 54

1.9K 36 5
                                    

Chapter 54



Sera's Point of View




Kasabay nang malakas na tugtog ang pagbagsak ng dalawang kamukha ni Hera. Pareho silang sumisigaw habang tinatakpan ang kanilang mga tainga..



"What the hell is happening? Saan galing ang tugtog na 'yon??"    tanong ni Finn havang nagpapalinga-linga.




Hindi ako makasagot at nanatili ang tingin sa dalawang nasa sahig at hirap na hirap na. Nangunot ang noo ko nang makitang nagdurugo ang tainga nila!




I knew it! Mayroon ding kahinaan ang tulad nila!




Dahil sa project x, naging triple ang lakas nila, tripleng bilis ng galaw, triple lakas ng pang-amoy at pakiramdam, tripleng lakas ng pandinig. Project X tripled not only 
one's ability, but also one's senses.




That is why loud music severely damages
their ears! Rason kung bakit nagdurugo na ang mga tainga nila at namimilipit ngayon sa sakit!




Natigilan ako at napasulyap sa wasak na gate nitong lugar. Mula 'ron, pumasok ang isang kulay itim na raptor at sa likod nito ay ang dalawang naglalakihan na speaker. Speaker??




Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng lupa tuwing dumadagundong ang speaker! Tumigil ang sasakyan sa 'di kalayuan, kasabay nang pagtigil ng tugtog. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas ang isang pamilyar na babae.




Her long, wavy hair swayed in the breeze. She's dressed in a black leather corset top, black leather pants, and black leather boots. My heart skipped a beat when I realized it was her..




That's the real Hera!




Rinig ko ang pagmumura ni Travis sa likuran ko. Halos lahat kami natigilan at nakatitig lang ngayon kay Hera. Siya naman ay inilibot ang tingin hanggang sa tumigil ang mata niya kung saan ako naroon.




Naramdaman ko agad ang paghawak ni Eros sa kamay ko pero hindi ko siya magawang lingunin dahil titig na titig parin ako kay Hera. Seryoso ang mukha niya 'nong una pero unti-unti itong ngumiti sa'kin dahilan para tuluyang tumulo ang luha ko. She's alive..Carlos was right! Hera is alive!




Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko lalo pa nang mag lakad na siya palapit sa kinatatayuan ko. At nang nasa mismong harap ko na ang kambal ko, nakangiti at puno ng buhay ang mukha, agad akong tumalon para yakapin siya.




I heard her chuckled before hugging me tighter. Damn. I am not dreaming. This is fucking real!




Nang humiwalay ay mabilis kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya para siguraduhin na siya nga talaga ang totoong Hera.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon