Chapter 5

3.8K 114 2
                                    

Chapter 5

Napahilamos na ako sa mukha ko dahil sa matinding inis na nararamdaman.
Halos lahat ng estudyante rito sa cafeteria ay napapasulyap sa'ming dalawa ni Eros.

"Could you please take these fucking handcuffs off of me? Nahihirapan na ako!"     umuusok ilong kong sambit kay Eros habang siya prenteng kumakain.  Hindi naman ako makakain nang maayos dahil kanang kamay ko at kaliwang kamay niya ang naka-posas!

Bored siyang lumingon sakin ng ilang minuto bago niya ipinagpatuloy ang pagkain na para bang walang naririnig. Oh, God. This jerk. He sure knows how to get under my skin!

"Shit!"      inis kong sigaw.

Lalo pang nakadagdag sa inis ko ang mga tingin at bulungan ng mga estudyante na nakapalibot sa'min.

"Kumain kana, Hera. Let me help you."     kinuha ni Alice ang kutsara ko at akmang susubuan ako ng pagkain pero agad akong umiling.

"Nawalan na ako ng gana."   sinamaan ko ng tingin ang lalaking katabi ko.  "Thanks to this jerk."

Sumulyap ito sa'kin bago ako tinaasan ng kilay. I rolled my eyes heavenward.


Simula kanina sa klase ay hindi na ako komportable dahil nga bukod sa katabi ko si Eros, lahat ng atensyon ay nasa amin. Tinotoo nga ni gago ang paglipat sa kurso at klase ko! Ang dami ko pa namang gustong itanong kay Alice pero dahil palaging nasa tabi ko si Eros, hindi ko magawa. Bwisit!


"Here."

Inis akong bumaling kay Eros. Talagang nangunot ang noo ko nang dumikit sa labi ko ang kutsara niya na mayroong kanin at ulam.

Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi pa rin siya nag lpatinag.

"You should eat something. I'll feed you."    sinenyasan niya ako na ibuka ang bibig ko kaya mas lalo ko itong itinikom.

"Hera, open your mouth. I'm not going to pull this out until you eat it. You'll just make things difficult for both of us."   walang emosyon nitong sambit bago muling idiniin sa bibig ko ang kutsarang hawak niya.

Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang dating sa'kin nung sinabi ni Eros. Jeez!

"I don't simply accept food from strangers."    sagot ko at gamit ang kaliwang kamay, tinabig ko ang kutsara niya dahilan para mahulog ito sa sahig.

Napasinghap ang mga estudaynteng nakakita sa ginawa ko at ganon rin si Alice na bahagyang umawang ang bibig. Ang walang emosyong mukha naman ni Eros ay unti-unting napalitan nang matinding inis. I can tell by the look on his face that he is offended by my actions.

"Fine. Mamatay ka sa gutom."   sambit nito.

I rolled my eyes. Jerk! Akala mo isusubo ko agad 'yan ah? Manigas ka!

Hindi malaman ni Alice ang gagawin niya dahil kanina pa kami nag-aaway ni Eros.

Hindi pa ako tapos ma-bwisit kay Eros ay may bobita namang biglang dumating sa harapan namin. Ngiting-ngiti siya habang hawak ang tray na may lamang pagkain niya. Dog food yata.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon