Chapter 17

2.9K 68 7
                                    

Chapter 17




2 years ago...




Sera's Point of View





"Look! Sobrang gwapo talaga ng magkapatid na dela Vega!"    malanding sigaw ng kaklase ko habang winawagayway ang isang magazine.



Mabilis namang nagtayuan ang mga kaklase ko para tingnan ang magazine. Ilang saglit pa ay para na silang kinukurot sa singit kakatili dahil lang sa mga litratong nasa magazine.



Uhaw na uhaw yata ang mga 'to sa lalaking naka-topless sa picture e..tsk!



"Sera look!"    iwinagayway ni Joana ang magazine na may topless na litrato ni Eros dela Vega.



"He's hot right??"     bored lang akong tumingin sa kanya.



Kahit yata ilang beses pa ibalandra sakin ng mga babaeng 'to ang katawan ni Eros ay hindi na ako matatakam. Paano ba namang hindi? Palagi ko namang nakikita ang katawan at pagmumukha niyang si Eros! Ang bahay na binili ni tito Alejandro para sa'kin ay katapat ng bahay ni Eros! At walang araw na ginawa ang Diyos na hindi ko siya makikitang nakatambay sa balkonahe ng kwarto niya, walang pang itaas na damit at naka-boxer lang! Minsan nga ay may babae pa siyang dinadala sa bahay niya at nakikita ko silang may ginagawang milagto sa kwarto niya e. Bwisit!



Excuse me lang ha, hindi ako naninilip! Sadyang kapag nalabas ako sa balkonahe ng kwarto ko, kitang kita ko ang mga pinaggagagawa niya dahil magkatapat ang bahay namin!




"Ano ka ba Joana! Hindi magugustuhan 'yan ni Sera dahil may boyfriend na 'yan!"    sambit naman 'nong isa naming kaklase.



"Ayy oo! Balita ko sinagot niya na 'yong gwapong senior na nanliligaw sa kanya? Ano ba ulit pangalan 'non??"



"Si Finn Madison! Shet! Sobrang gwapo din 'non eh!"




Napairap nalang ako sa kawalan. Hinayaan ko nalang sila pag pantasyahan si Eros at si Finn kahit na gusto ko na silang paghahampasin ng silya. Sige mangarap lang kayo dyan! Mulat na mulat ang mata niyo pero nananaginip kayo dyan, mga baliw!



At dahil tinamad na akong pumasok sa huling subject na meron ako, napagdesisyunan ko nalang na umuwi. Wala naman si Aki kaya walang magsusumbong kay tito Alejandro na nag cutting classes ako. At isa pa, pupunta naman si Finn sa bahay kaya uuwi nalang ako.



Fifteen years old pa lang ako ay hinayaan na kami ni tito Alejandro mamuhay ng solo. Basta huwag namin papabayaan ang pag-aaral namin dahil kapag nasa tamang edad na kami ni Aki, kami na ang mamamahala sa negosyo ng mga pamilya namin. Simula kasi nang mawala ang parents at ang kapatid ko, si tito Alejandro at Aki na ang naging pamilya ko. Lumaki kaming dalawa ni Aki sa States. Puro pag-aaral at training ang ginawa namin ni Aki doon dahil din sa kagustuhan ni tito Alejandro. Inuwi lang kami dito sa Pilipinas 'nong nag 17 years old na ako.  Habang si Aki naman ay 19 years old na. Nanatili si tito Alejandro sa States dahil inaayos niya ang kompanya ni daddy. Sinabi ko kasi sa kanya ang mga gusto kong mangyari sa kompanya kaya naghanap agad siya ng paraan para magawa ito.


Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon