Chapter 38

2K 54 7
                                    

Chapter 38






Sera's Point of View




"Ang deputang lalaking 'yon!"    tito Levi shouted angrily.




"Bakit hindi mo ako tinawagan agad? Edi sana ako na ang pumatay sa deputang Alejandro na 'yon!"  sigaw niya pa habang pabalik-balik sa paglalakad.





"Tito it's fine...ayokong pati kayo madamay pa sa gulo."    I sighed.





"Panilya mo kami Sera! At kahit wala akong alam sa grupo niyo, tutulong ako! Pinatay niya ang bunsong kapatid ko...kahit sa kabilang buhay ay hindi ko mapapatawad ang demonyong 'yon!"    pulang pula na sa galit si tito Levi. Napapailing naman si Leon dahil hindi niya magawang pakalmahin ang ama.





"Dad can you please calm the fuck down? Patay na nga diba? Ayos na...chill ka na diyan.."    naiiling na sambit ni Leon. Binalingan naman siya ni tito Levi.






"Hindi ba't ganito rin ang reaksyon mo nang mapanood ang nangyari sa balita? Nagmamadali ka pa ngang umuwi dito sa Pinas."   walang emosyong sambit ni tito at umupo sa tabi ng anak niya.




Muling ibinalik sa'kin ni tito Levi ang tingin niya.





"Come with us Sera.. Mas mapapanatag ang loob ko kapag sumama ka sa'min pabalik sa States."    tito Levi said. Natigilan naman ako sa alok niya.




"Maaalagaan ka namin ng tita Sam mo at mababantayan ka rin nitong si Leon at Humphrey doon."    dagdag niya pa.




Si Humphrey ay nakababatang kapatid nitong si Leon. Nagpaiwan si Humphrey at tita Sam sa states para asikasuhin ang kompanya 'ron habang wala si tito Levi.




"Dad was right Sera. Sumama kana sa'min pauwi sa States."    Leon said.





Kung tutuosin, gusto ko ang alok ni tito at Leon sa'kin. Kapag nandoon ako, malilibang ako kasama ang mga pinsan ko. Makakakilala ako ng mga bagong tao. Matutulungan nila akong makalimot sa pait at mga sakit na naranasan ko....pero paano kami ni Eros? Maisip ko palang na magkakahiwalay kami ay naninikip na ang dibdib ko..





"We can help you achieve your dreams there Sera...Gusto mong maging isang sikat na modelo hindi ba? Ang mga pinsan mo...maraming kaibigan ang mga 'yan na sikat na modelo. Pwede ka nilang matulungan.."    sambit ni tito.




Kahit pala gaano na lumipas ang panahon, alam parin ni tito kung ano talagang gusto ko. Bata pa lang ako palagi ko nang nasasabi kay tito Levi na gusto kong maging modelo. Ayokong sumunod sa yapak ng mga magulang ko at pamunuan ang grupo namin dahil hindi naman 'yon ang pangarap ko. My dreams is to become a famous model, hindi 'yong maging sikat dahil anak ako ng isa sa mga pinakamalalakas na mafia sa mundo at asawa ko ang kasalukuyang hari ng underground world.





Gusto kong tuparin ang pangarap ko...hindi ang pangarap ng ibang tao para sa'kin.





"Sera..we can help you to move forward and live the life you truly want. Hindi porket nawala sila, mawawala narin ang sarili mo. We are here...pamilya mo rin kami. At sigurado akong mas magiging masaya ang kapatid ko sa langit, kapag nakita niyang masaya ang anak niya."    dagdag pa nito.





Parang gusto ko nalang maiyak sa mga sinabi sa'kin ni tito Levi..everything he said was right. At nasasaktan ako dahil may punto siya sa mga sinabi niya.. My parents is dead. Hera is dead...ang dalawa sa matalik kong kaibigan ay wala narin...pero hindi ibig sabihin non na dapat pati ako ay mawala narin, hindi ba? Isinakripisyo nila ang buhay nila para maging ayos ako, kaya bakit ko sasayangin 'yon..





Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon