Chapter 16

2.8K 80 1
                                    

Chapter 16


Sera's Point of View





"What are you talking about?"    kunot noo na tanong ko kay Finn. Para naman siyang nabalik sa sarili at mabilis na umiling.

"I'm just guessing.. tama ba ang hula ko??"    napakamot siya sa batok niya.



"Uhmm yes."    tanging sagot ko.


Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa'ming dalawa. Nanatili lang kami 'don habang pinapanood ang pag sayaw ng mga halaman dahil sa hangin. Minsan ay napapasulyap ako kay Finn dahil nandoon parin 'yong pakiramdam na para bang sobrang pamilyar niya.. para bang magkakilala na kami dati pa lang..



Imposible namang mangyari 'yon dahil wala akong maalalang nagkakilala na kami dati..



Ilang minuto pa kaming nanatili 'don at nang tumunog na ang bell, tsaka niya lang ako niyaya para bumaba at kumain. Lunch break narin naman namin kaya sumama na ako sa kanya. Magkikita naman siguro kami ni Alice sa cafeteria kaya ipapakilala ko siya dito kay Finn.

Habang naglalakad papuntang cafeteria ay napapatingin parin sa'min ang lahat ng estudyanteng makasalubong at makasabay namin. Ang ibang babae ay na kay Finn ang atensyon at halatang kilig na kilig. Ang iba naman ay napapansin din ako at sinasamaan ako ng tingin. Kagaya ni Finn, I ignored them. They're not worth my time.



Pagkarating namin sa cafeteria ay hinanap agad ng mata ko si Alice at Axel pero wala pa sila 'don. Maghihintay nalang ako kasama si Finn.



"Saan mo gusto pumwesto??"    tanong niya sa'kin kaya agad akong tumingin ng pwede naming mapwestuhan.



"Si Calix 'yon diba??"     itinuro ko si Calix na may mga kasamang dalawang lalaki at isang babae.



"Yes, he's with our cousins."     sagot nito kaya tumango ako.




Sakto namang napalingon sa'kin si Calix bago kay Finn na nasa tabi ko. Ilang beses pa siyang nagpapalit-palit ng tingin sa'min bago nandilat ang mata. Sabay-sabay tuloy naglingunan sa'min ang mga pinsan niyang kasama.. Nandilat din ang mga mata nila at nakita ko pang bumagsak ang lollipop sa bibig 'nong nakasalamin na katabi ni Calix.



Okay?? Ganyan talaga sila kagulat na may kasamang babae si Finn? O baka kilala nila ako bilang asawa ni Eros??



Nang makabawi ay kinawayan kami ni Calix at itinuro ang bakanteng upuan sa pwesto nila. Nilingon ko si Finn na napatingin din sa'kin.



"Tara na? Tawag na tayo ni Calix.."

"Sigurado ka? Nandoon ang mga pinsan ko.."



"Oo naman! Tsaka sabi ni Calix ipapakilala niya ako sa mga pinsan niya kaya ayos lang.. tara na!"   sabi ko at ako na ang humila kay Finn palapit sa pwesto ng kapatid at mga pinsan niya.



Hanggang sa makalapit kami ay iisa parin ang ekspresyon ng mukha ng mga pinsan niya. Mga nakanganga habang nakatitig sa'kin..



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon