Chapter 43

1.9K 43 5
                                    

Chapter 43





Sera's Point of View




"I don't understand tito...bakit siya nandito??"     frustrated kong tanong kay tito Levi bago ko sinilip si Eros na kausap si Leon.



Mabuti nalang at lumabas si Humphrey kasama ang anak ko para maglibot.




"Kumalma ka hija...eto mag tubig ka muna."     sambit ni tita at inabutan ako ng baso na may tubig. Tinanggap ko naman 'yon at sa sobrang frustration na nararamdaman, inisang lagok ko lang ang tubig.




Pinunasan ko ang pawis sa noo ko bago muling hinarap si tito na para bang nag-eenjoy pa na natataranta ako.




"Calm down Sera...walang kasalanan si Eros. Ang ang lumapit sa kanya para humingi ng pabor.." paliwanag nito.




"Pero tito hindi naman po natin kailangan ng tulong niya! Kaya ko naman pong asikasuhin ang kompanya pati 'tong hacienda.." sagot ko.




Hindi ko parin lubos matanggap na nagkatoon pa ako ng utang na loob sa lalaking 'yon ngayon! Kung alam ko lang...nagpresinta na ako sa pamamahala sa kompanya! Kahit pa makuba ako kakatrabaho at pag-aalaga sa anak ko ay gagawin ko! Kaysa magkaroon ako ng utang na loob sa lalaking 'yon!




"I'm sorry tito pero ayoko na kasing magkaroon pa ng koneksyon sa kanya.."     dagdag ko. Umupo sa tabi ko si tita at inabot ang magkabilang kamay ko.





"Your tito is aware of that hija...kahit naman ako ay ayaw ko ang naging desisyon niya pero kung para sa ikakaligtas niyo ni Zen? May okay nang tanggapin ang tulong na matagal nang inaalok ni Eros."      tita Sam said. Nangunot naman ang noo ko.





"Ikakaligtas namin? Bakit po?? May problema ba?"     I asked her.


Sumulyap naman siya kay tito kaya nalipat ang tingin ko kay tito na ngayon ay seryoso na ang mukha.




"Tito??"     tawag ko kay tito.


May nangyayari bang hindi ko nalalaman??




Umayos ng upo si tito Levi at bumuntong hininga.





"Eros told me not to tell you about this but what can I do? Konting paawa mo lang, bumibigay na kami ng tita mo.."     napailing si tito Levi.




"Alam mo naman siguro na kinausap ko si Eros na layuan ka dati diba?"     tumango ako kay tito.




Naalala ko 'yong sinabi sa'kin ni Eros na pinagsabihan daw siya ni tito na ipapakasal ako sa iba kahit hindi...noong una nainis ako pero kung hindi ginawa ni tito 'yon, mananatili ako da tabi ni Eros at hindi ko matutupad ang pangarap ko. Isa pa, hindi ko malalaman kung gaano lang kababaw ang pagmamahal na meron si Eros para sa'kin..




Maisip ko palang 'yong ginawa niya dati ay talagang kumukulo na ang dugo ko!




"Ginawa ko 'yon para malaman kung ano ang mga kaya niyang gawin para sa'yo. Gusto kong malaman kung gaano kalalim ang pagmamahal na meron kayo para sa isa't isa. Gusto kong subukin kung gaano katatag ang pagmamahal na sinasabi niya para sa'yo.."      tito Levi said. Natigilan ako at bahagyang umawang ang bibig..




Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon