Chapter 3

4.5K 111 6
                                    

Chapter 3

Habang naglalakad pauwi sa kwarto ko, halos lahat ng estudyanteng madaanan ko ay pinagtitinginan ako. Hinayaan ko lang silang tumingin. Ngayon lang yata sila nakakita nang ganito parin kaganda kahit puno na ng dumi sa mukha.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong ini-lock ang pintuan. Tamad kong sinipa kung saan ang suot kong heels bago nagsimulang alisin ang butones ng suot kong blouse.

"You know, you really shouldn't be here."   bored kong sinulyapan ang lalaking kanina pa ako pinagmamasdan. Nakangisi ito sa'kin habang nakapamulsa at nakasandal sa gilid ng pinto ng kwarto ko.

"But I'm glad you showed up, Aki."   inihagis ko kung saan ang blouse kong puno ng dugo.

"Woah! Woah! Have some decency, there's a gentleman standing right here!"   itinuro niya ang sarili bago tumalikod sa'kin.

Hindi ko inintindi ang pinagsasabi niya at nag deretso na ako sa kwarto ko para maligo saglit.

"We'll talk after I finish my bath."   iyan lang ang sinabi ko bago isinara ang pinto ng kwarto ko.

Isang oras at kalahati yata ang itinagal ko sa pagligo dahil hindi agad naalis sa katawan ko ang malansang amoy ng dugo na ibinugos sa'kin. Kinailangan ko pa tuloy maligo nang tatlong beses!

Nang matapos maligo ay nagpalit lang ako ng kompirtableng damit bago lumabas na ng kwarto. Naabutan kong nanonood ng tv si Aki at nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko, sinulyapan niya ako habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Ang tagal mo, ah? Nahirapan ka bang alisin ang amoy ng dugo sa katawan mo?"    nakangisi habang umiiling na sambit nito.

Umupo ako sa tabi niya at agad siyang hinampas ng throw pillow. Mabilis niya naman itong nasalo dahilan para matawa siya nang malakas.

"Do you have any idea how hard I laughed when our men said you were being pranked by those kids? By the way, what a petty prank! They should have gone with something more exciting, such as a flying knife when you open the door--"

"You know you should try this 'shut the fucking up' thing? Or would you prefer that I give you the flying knife you desire?"

Ay, tigil tigilan niya talaga ang pang-iinis. Ngayong badtrip ako ay papatulan ko talaga siya!

Isinara ni Aki maigi ang bibig niya bago nagtaas ng dalawang kamay na para bang sinasabing suko na siya. Umirap ako sa ere bago sumandal sa sofa. This day is exhausting! My patience was almost depleted!

"Care to tell me what happened?"  

"And I believe you already knew what happened. Stop bothering me, I'm meditating!"    pumikit ako at hinilot ang sintido ko.

"Yes, I am aware. But I'm also curious about what happened after that. Where did you get those leg cuts?"

Dumilat ako at sinulyapan siya. Ang tingin niya naman ay nasa binti ko kaya bumuntong-hininga ako.

"Is this something Eros did?"   tabong nito bago tumayo at pumunta kung saan. Pagbalik niya ay may hawak na siyang first aid kit

"You were harmed by that motherfucker?"   lumuhod si Aki sa harapan ko para gamutin ang mga maliliit na sugat na nakuha ko kanina.

"Don't worry about it, Aki. Malayo sa bituka."   pinanood ko siya habang nililinisan ang mga sugat ko.

Kitang-kita ko kung paano nagtagis ang panga niya. Sa ganyang reaksyon ni Aki ay alam ko na ang susunod niyang gagawin. I've known Aki since I was a kid. We grew up together. We trained together. Naging takbuhan na namin ang isa't isa kapag napapagod kami sa mundo. We know each other's personalities, and I can tell when he's about to do something stupid because he's angry.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon