Chapter 35

2.3K 64 5
                                    

Chapter 35



Sera's Point of View



A year has passed. Ang mga naging plano ko pagkabalik ko sa manila, nagawa ko ang ilan. Nabigyan ko ng maayos na libing sina Hera, Alice at Axel. Naibalik ko narin sa ayos ang kompanya na iniwan ng magulang ko. Nagkaroon pa ng isang malaking pagtitipon para ipakilala sa industriya ang namamahala sa SRHR Real Estate. Maraming midya ang pumunta kaya't nalaman na ng lahat ang tungkol sa pagkatao ko. Naroon din ang mga kaibigan ko at syempre si Eros! Actually, siya pa ang mas abala kaysa sa'kin dahil siya ang sumasagot sa lahat ng tanong para sa'kin. Sinabi niya rin ang nangyari tungkol sa ginawa ni Alejandro pati na ang pagpapakasal naming dalawa!



Ewan ko ba sa lalaking 'yon kung anong trip sa buhay! Hinayaan ko nalang din kaysa mag-away pa kaming dalawa.


Gustohin ko mang tumira sa dating bahay namin, ayaw akong payagan ni Eros. Gusto niya ay palagi akong nakadikit sa kanya. Gusto niya na palagi akong nakikita at kasama. Hindi naman ako makatanggi dahil sa batas at sa mata ng Diyos, mag-asawa kami. Pero dahil sa ginagawa niya ay masyado na akong nasasakal. Hindi ko man lang magawa ang mga gusto ko pang gawin dahil kailangan ko munang ipaalam sa kanya.



Siguro dahil sa nangyari nitong nag daan na taon kaya siya naging ganyan sa'kin. Sabi niya pa, he's doing this for my own good...for my safety. Naiintindihan ko kung bakit siya ganon...pero nasasakal na ako.



I tried convincing Aki and Finn na kausapin si Eros, pero sinasabi lang nila na tama ang ginagawa ni Eros. Dahil hindi pa kami sigurado kung talagang ligtas na ang buhay ko.. Hindi ko sila maintindihan dahil patay na si Alejandro at Aira! Hindi pa ba ako magiging ligtas non? They're just overreacting!



Dumating pa sa punto na ayaw na akong palabasin ng bahay ni Eros. Ayaw niya rin akong papasukin muna sa trabaho at hindi ko malaman kung bakit! Pinadagdagan niya rin ang bodyguards na nasa bahay kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis. Nang hindi ko na kayanin ang paghihigpit ni Eros, tumakas ako sa mansyon. Mag-isa akong tumakas dahil wala naman akong mahingian ng tulong. Si Travis ay umalis ng bansa para mag lie low. Si Calix ay nasa probinsya para ayusin ang lupa nila roon habang si Finn ang namamahala sa kompanya nila rito sa manila. Si Aki ay abala rin sa kompanya nila at kahit magpatulong ako sa kanila, paniguradong hindi papayag ang mga 'yon na umalis ako. Si Bethany, Claude at Thunder naman ay abala sa kani-kanilang mga pangarap.



Kaya nang maagang pumasok si Eros sa trabaho, bumangon narin ako at nag paalam na mag jogging saglit. Gusto pa sana akong samahan ng mga bodyguards kung hindi ko lang sila napilit. Sa gagawin kong pagtakas ngayon ay wala akong ibang nadalang gamit kundi ang suot ko lang at ang pera na kakailanganin ko. Buo na ang desisyon ko na tumakas dahil ayokong habambuhay na ikulong lang sa bahay. Don't get me wrong, masaya ako sa piling ni Eros. Sa totoo lang, bumabalik na kami sa dati...pero bigla nalang siyang nagbago. Palagi siyang tahimik at wala sa bahay. Hinihigpitan niya rin ako ng sobra sa hindi malaman na dahilan...pakiramdam ko sinasakal ako at gusto kong makawala.



He's my husband...pero hindi siya ang mundo ko. Hindi niya hawak ang buhay ko.



Mabuti na lamang at tulog ang guwardya ng subdivision kaya't hindi ako nagkaroon ng problema tumakas. Mabilis akong tumakbo palabas at pumara ng taxi at dali-daling sumakay.



"Manong sa terminal ng bus."    agad kong sambit. Tumango si manong at pinaandar na ang sasakyan.


Hindi ko inalis ang titig ko sa exclusive subdivision kung saan naroon ang mansyon ni Eros...ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang umalis ako?? Paniguradong magagalit ang isang 'yon...kung hindi niya naman ako sinakal, hindi ako aalis.



Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon