Chapter 10

3.3K 86 0
                                    

Chapter 10


Nabalik lang ako sa ulirat ko nang may tumikhim sa likuran ni Eros. At mula ron, lumabas si Travis habang seryosong nakatingin sa'min.

Mabilis kong naitulak palayo si Eros sa'kin para muling harapin ang bombang hindi ko pa tapos ayusin.

"Shit!"     mura ko nang mawala sa konsentrasyon ang utak ko.

Dalawang linya na lang ang naroon at isa na lang ang kailangan kong putulin para mapatigil ang oras.

This is not the time to be acting like this!

Ramdam ko ang pagtabi ni Eros kaya may lalo akong hindi makapag-isip ng ayos.

"You were able to defuse a bomb?"   manghang tanong nito sa'kin.

"Yes, but as you can see, I'm not done yet. Who knows? This time, I might cut the wrong wire and make this building blow up."      sagot ko bago siya nilingon. Sakto namang nakatitig na ito sa'kin kaya agad kong iniiwas ang tingin.

"You could simply walk away and let this goddamn building blow up. If it means keeping you safe, I don't mind constructing another building! Kahit milyon pa!"    bakas na sa boses nito ang pagkairita.

"Tangina! What will happen to me if you make the wrong decision earlier? Do you think I'll be able to survive without you??"

Inis ko siyang sinulyapan.

"You know what? If you don't have anything nice to say, get the hell out of my face. I don't need your lectures, Eros!"    sagot ko naman sa kanya.

Nakakatawang isipin na mayroon na lang akong ilang minuto para ayusin ang bombang narito sa harapan namin pero heto ako at nakikipag-away pa kay Eros!

"I was terrified! Nagmadali ako rito dahil natakot akong may mangyari sa'yong masama at mawala ka sa'kin! I was fucking terrified, and here you are, telling me to get the hell out of your face and just leave you here??"

"Sino ba ang nagsabi sa'yong mag-alala ka sa'kin?"     taas kilay kong tanong sa kanya.

Sa ganitong paraan ko lang maitatago ang totoong nararamdaman ko.

Sasagot pa sana siya nang sumingit na si Travis sa usapan.

"Fighting, you know, will not defuse a bomb."     sambit ni Travis bago sumingit sa gitna namin ni Eros para silipin ang bombang malapit nang sumabog.

Walang paalam na kinuha ni Travis ang gunting sa kamay ko. Sisitahin ko sana siya pero nang makita ko kung gaano ka-seryoso ang ekspresyon ng mukha niya habang tinitingnan ang bomba ay hindi na ako nagsalita pa.

Itinapat nito ang gunting sa kulay dilaw na linya. Bahagya pa akong nakahinga ng maluwag dahil iyan din ang nasa isip kong putulin kanina. I was about to say something when his hands abruptly changed direction, and before I could react, he cut the opposite wire, which is the blue wire.

Natulala ako sa sobrang gulat. Titig na titig ako sa timer na tumigil matapos gupitin ni Travis ang kulay asul na linya.

Buong akala ko ay 'yong kulay dilaw na linya ang puputulin niya tulad na lamang 'nong naisip ko kanina bago pa sila dumating pero nagkamali ako.

At kung hindi dumating si Travis dito, paniguradong sumabog na ako kasama ang buong building na ito!

Humarap sa'kin si Travis at bahagyang ngumisi nang makita ang gulat na ekspresyon ng mukha ko. Inabot niya ang gunting sa kamay ko bago ito nagsalita.

Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon