Chapter 36

2.1K 58 9
                                    

Chapter 36






Sera's Point of View





Kinabukasan ay maaga akong nagising para mamili ng mga gamit na kailangan ko. Ilang damit at mga personal na gamit. Namili narin ako ng mga pagkain na stock sa bahay. Medyo malayo ang hacienda sa bayan kaya umarkila pa ako ng tricycle papunta at pabalik dito..




Pagkatapos kong maiayos ang mga pinamili, nagpalit ako ng komportableng damit para makapaglinis ako ng maayos.




"Nasaan na kaya ang mga katiwala sa bahay? Hmm..pabalikin ko kaya sila para may tutulong sa'kin dito??"      kinakausap ko ang sarili habang inaalis ang mga puting tela na nakatakip sa mga gamit.




"Kaso wala akong kilala rito kaya paano ko sila hahanapin.."     dagdag ko pa.




Mabuti na lang at may mga gamit pang linis na naiwan dito kung hindi, mahihirapan talaga ako ng sobra!





"Sera?"





Nasa kalagitnaan na ako ng paglilinis ko nang may magsalita sa likuran ko. Nandilat ang mata ko dahil sa gulat..




"Leon!"      masayang sigaw ko at dali-daling tumakbo para yakapin ang pinsan ko!





"Sabi ko na ikaw ang bumalik dito eh.."    sambit nito at bahagyang ginulo ang buhok ko. Bahagya akong lumayo at pinagmasdan ang mukha ng pinsan ko na ilang taon kong hindi nakita..





"Wow! Lalo kang pumangit ah!"   pang-aasar ko sa kanya. Nginisihan niya naman ako.





"Ikaw, pandak ka parin!"    he fired back. Napasimangot ako.




Pumasok siya sa loob at pinagmasdan ang paligid. Nalinis ko na halos kalahati nitong mansyon kaya parang bumalik na sa dating ayos ito.




"Ano nga palang ginagawa mo rito? Akala ko nasa States kayo nila tito?"      sinulyapan niya ako at nagkibit balikat.





"Umuwi ako para mag bakasyon. Uuwi narin sila papa. Nabalitaan 'yong nangyari sa'yo.."     he said. Tumango naman ako.


"About that...ano bang nangyari? Galit na galit si papa nang malaman ang totoong nangyari sa inyo.."   




Bumuntong hininga ako at binitiwan ang walis na hawak ko.




"It's a long story Leon. Sa susunod ko na ikukwento kapag nandito na si tito."     sambit ko. Tumango naman siya.



"Damn it Sera.. Halos mabaliw kami kakahanap sa inyo ni Hera! Akala namin ay wala narin kayo kaya noong napanood ka namin sa balita, nauna na akong umuwi rito."      lumapit sa'kin si Leon at inakbayan ako bago kinutusan.




"Aray ko naman!"     reklamo ko sa kanya.



"I'm glad you're safe couz!"     sambit niya kaya napangisi ako.




Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon